Mga pambato ng Pilipinas hangad ang kambal na korona sa Poland

Mga pambato ng Pilipinas hangad ang kambal na korona sa Poland

Miss Supranational Philippines Alison Black (kaliwa) at Mister Supranational Philippines RaÉd Al-Zghayér/ARMIN P. ADINA

NAUNA nang nagpakitang-gilas ang Pilipinang si Alison Black sa idinaraos na Miss Supranational pageant sa Poland nang mapili siya bilang isa sa anim na pinakamahusay sa talent competition.

Naghahanda na rin ang katuwang niyang si RaÉd Al-Zghayér para sa 2022 Mister Supranational contest at nakatakdang sumunod sa kanya sa Europa sa susunod na linggo.

Pasan ng dalawa ang napakabigat ng tungkuling mabigyan ang Pilipinas ng kambal na panalo sa magkatuwang na patimpalak sa Poland, na hindi pa nagagawa ng anumang bansa mula nang idaos ang unang Mister Supranational contest noong 2016, pitong taon mula nang itanghal ang kauna-unahang Miss Supranational pageant.

 

 

Target ni Black, dating propesyunal na ballerina at ngayon ay may sarili nang ballet school, ang pangalawang korona ng Miss Supranational para sa Pilipinas, kasunod ni Mutya Johanna Datul na nagwagi noong 2013.

Miss Supranational Philippines Alison Black/ARMIN P. ADINA

Tatangkain naman ng Cebuanong may lahing Jordanian na si Al-Zghayér ang unang panalo ng Pilipinas sa Mister Supranational.

Idaraos ang 2022 Miss Supranational coronation night sa Malopolska, Poland, sa Hulyo 15 (Hulyo 16 sa Maynila), habang sa Hulyo 16 (Hulyo 17 sa Maynila) naman itatanghal ang finals ng 2022 Mister Supranational.

Mister Supranational Philippines RaÉd Al-Zghayér/ARMIN P. ADINA

Mapapanood ito nang live via satellite sa CNN Philippines. Mayroon ding real-time na streaming sa ktx.ph.

Related Chika:
Alison Black handang-handa nang lumaban sa Miss Supranational 2022, humiling ng dasal: Laban, Pilipinas!

Read more...