Princess Punzalan nagpalaglag nang mabuntis sa edad 15; ayaw panagutan ng tatay at natakot sa nanay
IPINALAGLAG ng beteranang aktres na si Punzalan ang sanggol sa kanyang sinapupunan nang mabuntis siya sa edad na 15.
Matapang na inamin ni Princess ang tungkol dito sa pamamagitan ng isang video na ipinost niya sa Instagram nitong nagdaang Sabado, June 25.
“When I was 15, I got pregnant. I had an abortion because I was afraid of my mom and because the guy would not stand up for the baby,” simulang rebelasyon ng aktres at magaling na kontrabida.
At noong tumuntong siya sa edad 19, nagpakasal siya ngunit hindi sila nabiyayaan ng anak hanggang sa mapawalang-bisa nga ang kanilang pagpapakasal.
“And then at 19, I found a guy who would marry me. For four and a half years, we tried but I didn’t get pregnant. That marriage dissolved,” lahad pa ni Princess na nagsisimula nang tumulo ang luha.
Kasunod nito, muli siyang nagkaroon ng pag-asa na magkaanak nang makilala ang bagong lalaking nagpatibok muli ng kanyang puso.
Ang tinutukoy niya ay si Jay Field na naka-base sa Michigan na eventually ay naging asawa rin niya. Sumama siya kay Jay sa Amerika at doon na nga ipinagpatuloy ang kanyang buhay at nagtrabaho bilang nurse.
Pagpapatuloy ni Princess, “And in my mid-30s, I found a man who would marry me and love me. We tried for 10 years to get pregnant but I didn’t get pregnant. We tried different kinds of ways to get pregnant, but I didn’t.
View this post on Instagram
At makalipas nga ang isang dekada ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa, nagdesisyon sina Princess at Jay na mag-ampon — siya su Ellie na eight years old na ngayon.
“So we adopted. It was a long hard climb to finally find our match.
“I’m so grateful that the birth mom didn’t decide to kill her ’cause right now I’m so happy with my daughter and I’m very grateful that she is in my life,” kuwento pa ni Princess.
Sa ngayon, enjoy na enjoy pa rin si Princess sa pag-aalaga at pagpapalaki kay Ellie at feel na feel na nga niya ang pagiging ina.
https://bandera.inquirer.net/316049/tanong-ng-mga-marites-julia-montes-may-itinatago-nga-ba-kaya-may-nakapatong-na-unan-sa-tiyan
https://bandera.inquirer.net/313689/glaiza-matatagalan-pa-bago-mabuntis-kailangan-muna-naming-tapusin-yung-wedding-dito-sa-pilipinas
https://bandera.inquirer.net/316340/bettinna-carlos-shookt-nang-malamang-buntis-na-uli-matapos-makunan-totoo-ba-to-god-knows-his-time-talaga
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.