Megan Young miss na miss na si Mikael Daez habang naglalamiyerda sa US; muling naka-bonding si Pia Wurtzbach | Bandera

Megan Young miss na miss na si Mikael Daez habang naglalamiyerda sa US; muling naka-bonding si Pia Wurtzbach

Ervin Santiago |June 29,2022
facebook
share this

Megan Young miss na miss na si Mikael Daez habang naglalamiyerda sa US; muling naka-bonding si Pia Wurtzbach

Ervin Santiago - June 29, 2022 - 06:44 AM

Megan Young at Pia Wurtzbach

KAHIT na aminadong miss na miss na niya ang asawang si Mikael Daez, sinusulit pa rin ni Miss World 2013 Megan Young ang kanyang solong pagbabakasyon sa Amerika.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkanya-kanya sila ng pagta-travel sa ibang bansa mula nang sila’y ikasal at magsama bilang married couple.

Kung naglalamiyerda si Megan ngayon sa iba’t ibang bahagi ng US, nasa South Korea naman ngayon si Mikael para sa shooting ng unang season ng reality show ng GMA 7 na “Running Man Philippines.”

Dalawang buwan daw magkakalayo ang Kapuso couple kaya tiis-tiis daw muna sila at i-enjoy na lamang ang kani-kanilang pagso-“solo flight.”

Sa Instagram account ni Megan, nag-post siya ng kanyang mga litrato na kuha sa pagbisita niya sa Whitney Museum na matatagpuan sa New York.

“Lagi kong gustong pumunta ng museum,” ang bahagi ng caption ng Kapuso star sa kanyang IG photos.
Pagpapatuloy ng aktres at dating beauty queen, “Noong nag travel ako para sa Miss World, laging tinatanong sa akin kung ano ung favorite part ko about visiting another country.

“Kadalasan, nandoon lang kami para sa trabaho. Hotel, advocacy, meetings, gala, fundraising.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Megan Young (@meganbata)


“Minsan lang ako nakakaikot ng city  pero sa minsan na pwede akong lumabas at mag explore, lagi kong gustong pumunta ng museum,” pagbabahagi pa ng kauna-unahan at nag-iisa pa ring Miss World ng Pilipinas.

Aniya pa tungkol sa pag-iikot niya sa Whitney Museum, “Naeenjoy ko noon ang mga nakikita ko, kahit di ko naiintindihan at hindi ko kilala ang mga artists for this trip, sa Whitney Museum naman ako nag punta.

“Na enjoy ko ang solo time ko dito – kahit namimiss ko si Fofo (Mikael) Ano ung mga favorite museums niyo?” sabi pa ni Megan.

Samantala, ibinahagi rin ni Megan sa isa pa niyang IG post ang pagkikita at pagba-bonding nila ng kapwa beauty queen na si Pia Wurtzbach sa New York.

Nag-share pa siya ng mga litrato nila ni Pia nang magkita sila, “Ang kabog ni ateng photographer na taga resto dahil may instruction pa siya sa amin na ‘laugh together’   mas natawa pa ako na sinabihan niya kami nun (as you can see in the other photos – candid yorn?!).

“So nice catching up with Pia and Bessie (Besana, fashion designer) whom I always see abroad more kesa sa Manila hahaha til our next catch up (abroad ba ulit?? Hahaha),” aniya pa.

Nitong nagdaang June 24, ibinalita ni Megan sa kanyang fans at IG followers na mag-isa mga siyang magta-travel this year patungong Amerika.

“Solo flight! Hindi ko kasama si Fofo sa trip na to!!! Yehey!!   kidding aside, aaminin ko… miss ko na ang travel buddy ko.

“I had a 14 hour layover and I decided not to sleep because 1. I wanted to adjust to the time zone of my destination, 2. Walang mag babantay ng gamit ko hahang tulog ako, 3. Ma try lang!! after being alone in the airport overnight, I was finally able to fall asleep on the plane. See you in 2 months @mikaeldaez???” ang sabi pa ng aktres sa caption.

https://bandera.inquirer.net/306183/mikael-sa-asawang-beauty-queen-im-not-in-love-with-miss-world-im-in-love-with-megan-young

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/288239/megan-mikael-umamin-palagi-naming-nakakalimutan-ang-birthday-at-anniversary-namin
https://bandera.inquirer.net/288744/megan-mikael-nagkasundo-na-huwag-munang-magkaroon-ng-anak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending