Dani Barretto may cryptic post patungkol sa ‘healing’

Dani Barretto may cryptic post patungkol sa 'healing'

MAY makahulugang post si Dani Barretto matapos mag-trending ang kanyang mga kapatid na sina Leon, Julia, at Claudia dahil sa hindi pagbati sa amang si Dennis Padilla noong nagdaang Father’s Day.

Sa kanyang Instagram story nga ay nagbahagi ito ng isang litrato na kuha mula sa isang libro.

“No one sill ever fully be able to understand the internal battles you had to endure just to heal, just to grow, just to make it here today,” saad sa larawang ibinahagi ni Dani.

Dagdag pa sa post, “Be proud of the wat you fought to save yourself. Be proud of the way you survived.”

May mga netizens ang curious kung may kinalaman nga ba ang post ni Dani sa isyung kinakaharap ng kanyang mga kapatid sa ina aa actor-comedian na si Dennis Padilla.

Matatandaang nag-umpisang maging laman ng balita ang magkakapatid nang mag-post ang ama nina Julia, Leon, at Claudia sa kanyang Instagram account at pinaalalahanan ang mga ito na nakalimutan siyang batiin noong Father’s Day.

Agad naman itong binura ni Dennis ngunit huli na dahil kumalat ang screenshot nang i-share ito ng mga netizens sa Facebook.

Marami sa mga netizens ang nam-bash sa mga kapatid ni Dani dahil sa diumano’y pagkalimot ng mga ito kay Dennis.

“Papa, why does it seem like you enjoy hurting your kids in public? Why do you keep posting cryptic posts about us and allow people to bash us on your own Instagram page? Do you think it does not pain all of us to not feel protected by their own father?” diretsahang tanong ni Leon sa ama.

Makalipas ang ilang araw ay sinagot naman ni Leon ang ama sa pamamagitan ng open letter nitong ipinost sa Instagram.

Nag-reply rin si Dennis sa anak at tinanong ito ukol sa nabanggit na “false narratives” na sinasabi nito sa kanyang open letter dahil 15 years na raw siyang nagri-reach out privately sa kanyang mga anak.

Sa ngayon ay inaantay ng mga netizens na magsalita ang ina nina Dani na si Marjorie Barretto hinggil sa kinasasangkutang isyu ng mga anak sa kanilang ama.

Related Chika:
Dani Barretto muling nakasama si Bela Padilla: My sister is back!

Asawa ni Dani Barretto may bwelta sa mga bashers: ‘Nobody can break a happy home’

Read more...