NAATASAN ang Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga na kantahin ang Pambansang Awit na “Lupang Hinirang” sa inagurasyon ni President-elect Bongbong Marcos ngayong Huwebes, June 30 sa National Museum.
Kinumpirma ito ng isa sa mga miyembro ng preparation committee na si Franz Imperial ngayong Martes, June 28.
Bukod kay Toni ay kakanta rin si Chris Villonco sa naturang inagurasyon na “Pilipinas Kong Mahal” kasama ang Young Voices of the Philippines Choir.
Pagbabahagi rin ni Franz, “The program we have prepared is very solemn and simple. It would be very traditional dahil sabi nga ni BBM sa vlog niya, ‘hindi kami lilihis pa sa tradisyon’.”
Isa si Toni Gonzaga sa may malaking partisipasyon sa kampanya ni President-elect Bongbong Marcos.
Siya nga mismo ang naging host noong proclamation rally nito at kasama rin ito sa mga pangangampanya ng UniTeam.
Sa katunayan, ang kanyang mga naging performance sa mga campaign rallies ng partido ay talaga namang tumatak sa mga netizens gaya ng pagkanta ng “Roar” at “Titanium”.
Hindi lang naman si Toni ang nagpakita ng suporta kay Bongbong dahil maski ang asawa nitong si Paul Soriano ay naging kaagapay rin nito sa pangangampanya.
Si Direk Paul nga ang naging punong abala sa mga naging ads nito.
Maski nga noong proklamasyon ng pagkapanalo ni BBM ay present ang mag-asawa na ginanap sa Batasang Pambansa.
Inilarawan bilang “kawawa” ng president-elect si Toni dahil sa tinamo nitong pamba-bash sa mga tao dahil sa naging pgsuporta nito sa kanya.
Unang na-cancel ang TV host-actress noong i-guest niya ang kanyang ninong sa kasal sa YouTube vlog niyang “Toni Talks”.
Related Chika:
Toni Gonzaga: Ang tunay na laban ay mangyayari sa araw ng halalan
President-elect Bongbong Marcos tuloy ang pagba-vlog