Groom niregaluhan ng P1-M ng kanyang bride, inakalang prank kaya hindi naniwala agad: Iiskamin mo pa 'ko! | Bandera

Groom niregaluhan ng P1-M ng kanyang bride, inakalang prank kaya hindi naniwala agad: Iiskamin mo pa ‘ko!

Ervin Santiago |June 28,2022
facebook
share this

Groom niregaluhan ng P1-M ng kanyang bride, inakalang prank kaya hindi naniwala agad: Iiskamin mo pa ‘ko!

Ervin Santiago - June 28, 2022 - 07:51 AM

Gabriel Ilmedo at Jasmine Araneta (Photo courtesy of The Burning Bush FB)

“IT’S not a prank!” Ito ang sigaw ng mga kaibigan at bisita ng isang groom nang makatanggap ng bonggang sorpresa sa mismong araw ng kasal nila ng kanyang partner.

Inakala kasi ni Gabriel Ilmedo na  isang prank at scam ang pagtawag ng isang mystery caller sa kanya habang nagpi-pictorial kasama ang mga groomsmen.

Napanood namin ang nakakaaliw na video ni Gabriel sa Facebook account na The Burning Bush ni Clifford Sangcopan, na isang event videographer.

Dito nga mapapanood kung paano sinorpresa si Gabriel ng kanyang bride na si Jasmine Araneta bago pa ganapin ang kanilang pinakahihintay na wedding na nangyari noong May 4, 2022.

Sa simula ng video, makikitang iniabot sa kanya ng isa niyang kaibigan ang cellphone at kinausap ang nasa kabilang linya.

Sabi ng caller na mula sa isang restaurant na kinainan daw niya noon, nanalo siya ng tumataginting na P1 million.

Pero sabi ng groom wala siyang kinainang restaurant kung saan nagbayad siya ng P3,000.

“Baka mali yung natawagan n’yo, nasa kasal kasi ako, e,” sabi niya sa caller. At mas lalo pa siyang nagduda nang sabihin ng kausap niya sa cellphone na nanalo nga siya ng isang milyong piso.

Hirit ni Gabriel sa kausap,“Meron din kaming 1 million.” Nang putulin na niya ang pag-uusap nila ng mystery caller, nag-dialogue pa siya ng, “Iiskamin mo pa ‘ko.”

Maya-maya, may nag-aabot na sa kanya ng dummy check na P1 million. Kaya nagsigawan na ang kanyang nga groomsmen, “Totoo pala! Hindi scam. Ayan, o, may tseke pa!”

Natulala at napanganga na lang si Gabriel sa nangyayari dahil ang inakala niyang scam at prank ay totoo pala at regalo raw ito ng kanyang magiging asawa.

Sa napanood naming video, nabanggit na magagastos lamang ni Gabriel ang pera pagsapit ng first wedding anniversary nila ni Jasmine.

Nagpasalamat naman ang groom sa kanyang bride at sinabing hindi niya iyon inaasahan. Aniya, mixed emotions daw ang nararamdaman niya nu’ng mga oras na iyon dahil sa sobrang excitement, kaba, idagdag pa ang napakainit na panahon noong araw ng kanilang kasal.

Ipinakita rin sa video ang pag-iyak ni Gabriel habang pinagmamasdan ang paglakad ng ni Jasmine patungo sa altar, patunay na talagang love na love niya ang magiging asawa.

Inamin naman ni Gabriel na marami rin siyang sablay na desisyon noon, pero ang siguradong-sigurado raw niya ay tama ang desisyon niyang pakasalan si Jasmine.

Samantala, sinabi naman ni Jasmine na noon daw ay may one-day millionaire attitude si Gabriel pero nagbago raw ito nang magkakilala sila hanggang sa matuto na ngang humawak ng kanyang finances.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya ang naisip daw niyang iregalo sa asawa ay P1 million na pwede nitong magamit sa mga susunod na plano nila sa buhay bilang married couple.

Tom kay Carla: Papatalo ba ako sa ganda ni misis? Eh di resbakan natin!

Janella, Markus galit na galit sa nam-bully sa kanilang baby; basher nagmamakaawang nag-sorry

Sharon sasabak na sa shooting ng ‘The Mango Bride’: It’s the best project to present to a global audience

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending