Rita Daniela umiiyak nang umaming buntis: Wala po akong planong ilihim ito, naghintay lang po ng tamang panahon... | Bandera

Rita Daniela umiiyak nang umaming buntis: Wala po akong planong ilihim ito, naghintay lang po ng tamang panahon…

Ervin Santiago |June 26,2022
facebook
share this

Rita Daniela umiiyak nang umaming buntis: Wala po akong planong ilihim ito, naghintay lang po ng tamang panahon…

Ervin Santiago - June 26, 2022 - 02:20 PM

Rita Daniela

KUMPIRMADO! Magiging nanay na nga ang Kapuso actress-singer na si Rita Daniela.

Umiiyak na inamin ng dating ka-loveteam ni Ken Chan ang kanyang pagbubuntis sa “Queendom” segment ng “All-Out Sundays” sa GMA 7 kaninang tanghali.

Nilinaw ni Rita na wala siyang balak ilihim sa publiko ang kanyang kundisyon. Hinintay lang daw niya ang tamang panahon para ibalita ang pagiging future mommy niya.

“I am so, so happy and proud to say that I’m soon to be a mother. Happy Mother’s Day to me.

“Wala naman po akong planong ilihim ito. I just…naghanap lang po ako ng tamang oras para sabihin and to share the new blessing in my life,” ang umiiyak na pag-amin ni Rita sa “All-Out Sundays.”

“Thank you so much All-Out Sundays family and, of course, GMA Network for supporting me and for loving me.

“Akalain mo yung, di ba, nagsimula ako dito sa GMA? I was just 10 years old and now, soon I will have a ten years old also and dito na talaga ako.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rita Daniela (@missritadaniela)


“Yung journey sa buhay ko, talagang nagsimula sa GMA. Maraming-maraming salamat GMA Network,” pagpapatuloy ni Rita.

Aniya pa tungkol sa nararamdaman niya ngayong magiging nanay na siya, “Masaya, I am super happy and proud. At least I can wear na the dress that I want to wear at hindi ko na kailangan, you know. I’m so happy. Ang sarap sabihin.”

Wala namang nabanggit si Rita kung sino ang tatay ng magiging anak niya pero ayon sa aming source, non-showbiz ang guy.

Isa sa mga bumati kay Rita ay ang kaibigan niyang si Julie Anne San Jose na nakasama at nakalaban niya noon sa reality singing competition na “Popstar Kids” na napanood sa QTV (GTV na ngayon) noong 2005.

Mensahe ni Julie Anne, “Rita, alam mo actually, nagulat kaming lahat. Talaga ba? We’re so, so very, very happy for you and we’re very, very proud of you.

“We all know that you’re going to be a great mother and palagi lang kaming nandito para sa ‘yo.

“Kung may kailangan ka, nandito lang kami and, of course, gusto lang namin na maging masaya ka so we support you. We support your happiness and your baby,” sey pa ni Julie Anne.

Sa kanyang Instagram account, nag-post din si Rita ng picture niya kung saan kitang-kita ang kanyang baby bump at ang resulta ng sonogram.

“My child, you came just in time. You are God’s greatest gift to me. You give me hope to make more dreams come true. I shall do anything and everything that’s best for you. Always.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nanay will always make sure that you have a heart for people and joy in the Lord. I can’t wait to meet you, anak. Ngayon pa lang, mahal na mahal na kita,” mensahe pa ng singer-actress.

Rita Daniela, Ken Chan may sariling diskarte sa love scene, walang arte-arte

Lovelife hugot ni Andrea: Feeling ko ‘yun talaga ang pagkakamali nating girls, kasi all-out tayo

Rayver 3 buwang ‘nawala’ matapos tamaan ng COVID-19, isinugod ang sarili sa ospital

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending