SA unang pagkakataon ay bumiyahe patungong Bali, Indonesia ang Happy Islanders na sina Andi Eigenmann, Ellie, Lilo Kola at Philmar Alipayo.
Base sa mga larawang pinost ni Andi sa kanyang Instagram account ngayong araw ay kitang-kita kung gaano kasaya ang mga bata simula sa Changi Airport ng SG habang naghihintay ng transfer trip nila patungong Bali, Indonesia na aabutin ng mahigit dalawang oras.
Ang caption ni Andi, “Been dreaming about this moment! To me, there is no better way to make cherishable memories than to travel the world with my family.
“We were finally able to do it! With the pandemic, money saving, (and even the kids getting sick and us having to push back our entire trip to give them time to get better), it sure feels so much sweeter to finally be here!
“For our first #HappyIslandFam vacation, we decided to go to Bali, Indonesia! Catch our adventure on the #HappyIslanders Youtube channel this weekend!”
Maraming nagtanong din sa aming netizens kung may plano pa bang magbalik-showbiz si Andi dahil base sa nakikitang post ng aktres sa kanyang social media at YouTube channel ay kuntento na siya sa buhay nilang mag-anak sa Siargao.
Sa pagkakatanda namin ay hindi na kakayanin ni Andi ang mag-shoot o magtaping ng matagalan dahil nga maliiit pa ang mga anak at hinahanap siya nina Lilo at Koa.
Okay sa kanyang mag-shoot ng product endorsements na pino-post din naman niya ito dahil ilang oras lang siyang nawawala sa tabi nang mga anak.
Napanood din namin ‘yung huling endorsement shoot niya na iniwan niya sa hotel dito sa Manila ang mga anak para mag-shoot pero ilang oras palang ay sumunod na ang mga bata dahil hinahanap na siya.
Related Chika:
2nd b-day party ng anak nina Andi at Philmar dinaluhan ng mga batang taga-isla; Ellie sinundo na uli ni Jake
Andi inaatake rin ng takot bilang nanay, pero hinahayaan lang matuto ang mga anak