KASALUKUYANG nasa Ho Chi Min City, Vietnam ngayon ang ating Miss Universe 2018 na si Catriona Gray para maging guest judge sa local Miss Universe ng bansa na mangyayari bukas Sabado, Hunyo 25.
Base sa mga larawang ipinost ni Catriona sa kanyang Instagram account ay sinalubong siya ng kanyang Vietnamese supporters at organizers sa Tan Son Nhat International Airport na bitbit ang malalaking larawan ng magandang dilag at marami rin ang kumukuha ng videos.
Ang caption ni Cat sa mga larawang pinost ay, “Cảm ơn Vietnam, for such a warm welcome. I love you all!!!”
May prior post si Catriona na nakasuot siya ng national traditional dress ng Vietnam na ang tawag ay ao dai na gawa sa silk tunic with pants.
Ang caption ng dalaga, “Xin Chào Vietnam!! (emoji Vietnam flag). I’m so happy to be back in your beautiful country to be a guest judge at this year’s @missuniversevietnam, as well as doing outreach work as Global Ambassador for @smiletrain.”
Sinundan pa ng, “Vietnam, Day 2 I’m ready for you.”
Samantala, bago tumulak patungong Vietnam ang dalaga ay nag-bonding muna sila ng boyfriend niyang si Sam Milby na nagkaroon din ng panahon para sa kanilang dalawa dahil kailan lang din siya natapos sa taping ng seryeng A Family Affair sa Masbate.
Pinost nito ang larawan nila ni Sam kasama ang kanilang fur babies na nag-camping sa Dolores, Quezon.
Ang caption nito, “Went camping although pretty sure the puppies thought it was a vacation for them.”
Related Chika:
Pia sa galit na galit na mga Vietnamese: I wasn’t being sarcastic or questioning your win at all!