Rabiya, Jeric in-unfollow sa IG ang isa’t isa, tuluyan na nga bang naghiwalay?

Rabiya, Jeric in-unfollow sa IG ang isa't isa, tuluyan na nga bang naghiwalay?

USAP-USAPAN ngayon kung ano nga ba ang lagay ng relasyon ng Kapuso actor na si Jeric Gonzales at ng Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo.

Marami kasing mga netizens ang nakapansin na tila hindi na naka-follow sa isa’t isa ang dalawa nang dalawin ng mga ito ang kanilang Instagram account.

Nang bisitahin namin ang IG account ni Rabiya, makikitang deleted na ang mga larawan nilang magkasama ni Jeric.

Unang kumalat ang balitang hindi na maganda ang estado ng relasyon ng dalawa nang magkaroon ng cryptic post ang actress-beauty queen sa kanyang Instagram post.

“I owe myself the biggest apology for putting up with what I didn’t deserve,” saad sa post ni Rabiya.

Matapos nito ay kumalat na ang bali-balitang may karelasyong lalaki raw ang Kapuso actor matapos kumalat sa social media na may kahalikan itong lalaki.

Agad naman itong pinabulaanan ng isyung ito at sinabing screengrab lamang ito mula sa naging indie film ni Jeric noong 2020.

Unang nagkasama ang dalawa sa isang episode ng “Wish Ko Lang” noong Nobyembre 2021 kasunod ang pagkalat ng larawan nila na kuha sa Enchanted Kingdom.

Matatandaang nitong March 2022 lang nang aminin ni Rabiya sa pamamagitang ng kanyang Instagram post ang kanilang relasyon ni Jeric.

Ang mga larawan ay kuha so Bohol kung saan pansamantalang nagbakasyon ang dalawa.

At tatlong buwan nga matapos ang kanilang pag-amin ay ang bali-balitang tuluyang paghihiwalay ng dalawa.

Wala pa namang pahayag sina Rabiya at Jeric kung totoo nga bang hiwalay na sila.

Bukas naman ang Bandera para sa statement ng dalawa ukol sa kinakaharap na isyu.

Related Chika:
Rabiya ipinaglaban ang pag-ibig kay Jeric: Ang dami kong isinakripisyo, kapag nagmahal po talaga ako all-out

Rabiya Mateo malalim ang hugot; may konek kaya sa relasyon nila ni Jeric Gonzales?

Jeric nag-propose muna kay Rabiya bago nanligaw; love story nagsimula sa ‘Wish Ko Lang’

Jeric Gonzales feeling super lucky nang maging dyowa si Rabiya Mateo; may pinatunayan sa mga laiterang basher

Read more...