Lovi biglang umiyak sa presscon ng ‘Flower of Evil’; hindi malilimutan ang pakikipag-usap sa audioman at cameraman
BIGLANG napaiyak si Lovi Poe sa presscon ng kauna-unahan niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Pinoy version ng hit Korean drama na “Flower of Evil.”
Makakasama niya rito sina Piolo Pascual, JC de Vera, Agot Isidro, Joross Gamboa, Joem Bascon, Denise Laurel, Jett Pangan , Edu Manzano, Rita Avila at marami pang iba.
Hindi nga napigilan ng actress-singer ang maging emosyonal nang balikan ang mga unang araw niya bilang isang Kapamilya at ang mga ginawa niyang adjustment sa bago niyang mother network.
Kuwento ni Lovi sa ginananap na face-to-face mediacon ng “Flower of Evil” kahapon, hindi naging madali para sa kanya ang mag-work sa bago niyang tahanan at sa mga bago niyang katrabaho.
Bumigay nga si Lovi matapos siyang purihin ng Viu Philippines content development manager na si Garlic Garcia, hindi lang sa galing niya bilang aktres kundi pati na rin sa pagiging professional nito at husay sa pakikisama.
View this post on Instagram
Kuwento ni Garlic Garcia humanga siya sa pagiging totoo at sincere ni Lovi sa pakikitungo sa buong production. Mismong ang mga katrabaho raw ng aktres ang nagsasabing napakabuti ng anak ni Da King Fernando Poe, Jr..
Pagbabahagi ni Garlic, “At the end of the lock-in, I just thanked him. I said, ‘Maraming salamat sa lahat ng binigay mo, sa lahat ng tulong mo, kasi hindi ito mabubuo nang wala ikaw at ang kontribusyon mo.’
“Alam mo ang sagot niya? ‘Karangalan ko po na galingan sa trabaho ko, kasi nakikita ko lahat ng kasama ko sa set na ito, ginagalingan po.’
“I think that’s a mark of a Kapamilya, the Kapamilya spirit. That’s the mark of a collaboration between Viu and ABS-CBN,” aniya pa.
Kasunod nito, pinuri rin niya si Piolo na tinawag niyan “MC” dahil daw sa ipinamalas nitong “masterclass” acting.
“He took it to 500% and because he is the lead actor, the leader on set, everyone raised their game to be able to create something truly excellent,” sey pa ni Garlic.
Pagkatapos nito, muli niyang pinasalamatan si Lovi, “This is so meaningful for us, to be able to do this together. And really, every day, I saw her work so hard on set. Hindi siya napapagod. She was relentless in nailing the role.
“There were hard days on set, but what’s important is she never gave up and she kept wanting to give more and more and more. I honor her for that,” dagdag pa ng Viu executive.
At dito na nga naiyak ang Kapamilya actress kaya naman tinanong siya ng host ng presscon na si Robi Domingo at ng kanyang co-stars kung bakit siya naiiyak.
Sagot ni Lovi habang nagpapahid ng luha, “Ever since, I’ve been a huge fan of ABS-CBN and Dreamscape, so just to be given the opportunity to work with such an amazing team, it’s just great. It’s my first project (with ABS-CBN), so the transition wasn’t the easiest thing.”
Ibinahagi rin niya ang kanyang pakikipag-usap sa isang audio man na nagngangalang Adler at sa cameraman nila na si Fred noong nasa lock-in shoot sila.
“My first day on set was difficult, kasi all of a sudden I’m a new environment. Everything’s new, everyone’s new. It was hard.
“And as the days went by, parang I wasn’t myself in the beginning. I was having such a hard time, but with the help of everyone, it felt great.
“‘Yung as simple as sinabi ni Kuya Adler and ni Kuya Fred, ‘Huwag ka mag-alala, nandito kami para sa ‘yo.’ Doon ko na-realize na I’m part of a new family now. And these people want to see me do well,” pagbabahagi pa ni Lovi.
Ang “Flower of Evil” ay isang collaboration project ng Viu at ABS-CBN na mapapanood na sa June 23 across 16 countries via Viu, and on June 25 sa Kapamilya Channel at A2Z, sa direksyom nina Darnel Villaflor at Richard Arellano.
https://bandera.inquirer.net/312367/bakit-kaya-may-reshoot-ang-teleserye-nina-papa-p-at-lovi-na-flower-of-evil
https://bandera.inquirer.net/293175/lovi-piolo-bibida-sa-pinoy-version-ng-hit-k-drama-na-flower-of-evil
https://bandera.inquirer.net/283393/kilalang-aktor-nambara-sa-presscon-napikon-sa-mga-tanong
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.