Skusta Clee miss na miss ang anak kay Zeinab Harake

Skusta Clee miss na miss ang anak kay Zeinab Harake

HINDI na mapigilan ng rapper na si Skusta Clee ang kanyang pagka-miss sa anak na si Baby Bia.

Sa kanyang Instagram stories ay ibinahagi niya ang larawan ng anak na kuha mula sa kanyang monthly photoshoot.

“I miss you so bad anak,” maikling saad ni Skusta Clee sa kanyang story.

Ilang buwan na ring hindi niya nakikita nang personal ang anak buhat nang maghiwalay sila ng dating karelasyon at ina ng kanyang anak na si Zeinab Harake.

Sa katunayan, noong nag-celebrate si Baby Bia ng kanyang first birthday noong April ay ay missing in action ang ganap niya dahil nag-vlog noon so Zeinab at walang Skusta Clee na nahagip ng camera sa naturang party.

Marami naman sa mga netizens ang nanggigil na naman sa Ex-Batallion member dahil diumano’y wala raw itong karapatan na ma-miss ang anak lalo na sa kanyang ginawang panloloko sa ina ng kanyang anak.

Hindi rin daw deserve ni Baby Bia ang ama lalo na at wala ito sa kanilang tabo noong ipinagluluksa nila ang pagkawala ni Baby Moon na sana’y pangalawang anak nila ni Zeinab.

Patuloy naman ang pagiging trending ni Skusta Clee sa social media buhat nang pumutok ang bali-balitang hiwalay na sila ni Zeinab noong Marso.

Halata ang gigil at tindi ng galit ng mga netizens sa rapper dahil nang mag-perform ito noong day 1 sa Aurora Fest 2022 na ginanap sa Pampanga, puro mura at pambabatikos lamang ang kanyang natanggap samantalang nang mag-perform si Zeinab noong day 2 ay mainit ang naging pagtanggap ng crowd na may kasama pang hiwayan.

May mga kumalat rin na balitang nag-walk out raw ito sa isa pang music fest na ginanap sa Quezon City kung saan kasama niya ang kanyang grupo na Ex-Batallion.

Nilinaw naman ng event organizer na wala itong katotohanan sa kanilang Facebook page.

“Maayos na natapos ni Skusta Clee ang kanyang performance sa Alon.

“Nagkaron lang sya ng bahagyang hirap sa paghinga, ngunit ang buong set ng EXB at mismong set nya ay maayos at masayang natapos.

“Wala pong back-out o walk-out na naganap. Marami pong salamat,” opisyal na pahayag ng Pandayo music fest event organizer.

Related Chika:
Skusta Clee sa anak nila ni Zeinab Harake: Pinakamagandang butterfly ng buhay ko

Skusta Clee nag-walk out daw sa music festival, organizer dumepensa: Wala pong nangyaring ganu’n

Para kay Skusta Clee nga ba ang hugot ni Zeinab Harake na ‘Make sure you’re a good man’?

Read more...