MATAGAL nang walang balita sa nag-iisang Queen of All Media na si Kris Aquino buhat nang ianunsyo nito na pupunta na siya sa ibang bansa para magpagamot.
Matatandaang ang huling update ni Tetsy ay noon pang June 3 kung saan inanunsyo niyang tuluyan na siyang lilipad patungong Houston, Texas para sa kanyang pagpapagamot.
Inamin rin ni Kris na ang kanyang iniindang sakit ay isang rare disease na tinatawag na Eosinophilic granulomatosis with polyangiitis o EGPA.
Sa latest upload ni Ogie Diaz sa vlog nitong “Showbiz Update” kasama sina Mama Loi st Dyosa Pockoh, na-bring up nila ang pangalan ni Tetay kalakip ang magandang balita ukol sa health condition nito.
“Ito raw ay confirmed… Si Kris Aquino ay matagal na mamamalagi sa Houston, Texas. Siguro abutin ito ng one year Loi habang siya ay nagpapalakas, nagpapagaling.
“At in fairness naman, sabi ng aking source, e nagrerespond naman daw si Kris Aquino sa mga treatments na isinasagawa sa kanya,” saad ni Ogie.
Dagdag pa niya, “Yung iba kasi wala sila nababasa tungkol kay Kris. Kumbaga siguro nag-absent muna, nagpahinga pansumandali itong si Kris Aquino. Pero malay natin hindi rin makakatiis ang lola niyo. Babalitaan din niya kayo straight from the horse’s mouth, live from Houston, Texas.”
Nauna na rin namang nagpaalam si Krissy sa kanyang mga followers na matatagalan siyang mawawala dahil naghahabol sila para maagapan at malunasan ang kanyang karamdaman.
“Time is now my enemy, naghahabol kami hoping na wala pang permanent damage to the blood vessels leading to my heart.
“For now and the next few years — sadly, it’s goodbye. Praying na kayanin ng katawan ko itong matinding pagsubok,” saad ni Kris.
Marami na rin ang naunang balita na diumano’y pumanaw na raw ang TV host-actress na agad niyang nilinaw na walang katotohanan.
Handang lumaban si Kris sa kanyang sakit alang-alang sa dalawang anak niyang sina Kuya Josh at Bimb.
Related Chika:
Netizens nagpakita ng suporta sa pagpapagamot ni Kris: Praying for her speedy recovery
‘Pagpanaw’ ni Kris Aquino fake news, tuloy ang pagpapagamot sa US