GMA naglabas ng pahayag ukol sa hiwalayang Tom-Carla

GMA naglabas ng pahayag ukol sa hiwalayang Tom-Carla

IG: Nelwin Uy Photography

LABIS na ikinalulungkot ng home network nina Carla Abellana at Tom Rodriguez ang hindi magandang pangyayari sa relasyon ng dalawa.

Naglabas na rin ng pahayag ang pamunuuan ukol sa nangyayaring hiwalayan ng kanilang mga talents ngayong araw, June 17.

Hangad nila na sana’y maresolba nina Carla at Tom ang kanilang mga isyu sa lalong madaling panahon.

Hiling rin ng GMA Network na sana ay iwasan na ang pagpapakalat ng maling impormasyon at mga espekulasyon ukol sa nangyari sa kanilang mga artists.

Narito ang buong pahayag ng pamunuan ng GMA Network:

“We are saddened by the recent turn of events involving GMA artists Carla Abellana and Tom Rodriguez.

“It is our prayer that they will be able to resolve their issues at the soonest possible time and in the most amicable manner.

“We also request their fans, supporters, and the public to refrain from spreading various speculations about them.

“Thank you.”

Oktubre 2021 nang maganap ang engrandeng kasal nina Tom at Carla sa Nasugbu, Batangas.

Bago ito ay naging mag-dyowa muna ang dalawa ng pitong taon.

Matatandaang Enero 2021 nang unang intrigahin ang relasyon ng dalawa matapos mamataan ng mga netizens na tila hindi na nagkakasama ang dalawa at hindi na sinusuot ni Carla ang kanilang wedding ring.

May mga nagsasabi na diumano’y nagloko raw sa kanilang marriage si Tom na mas umigting nang magsalita ang ama ng aktres na si Rey PJ Abellana.

 

Base sa naging interview nito kay Cristy Fermin, sinabi nitong nagkwento raw sa kanya ang aktor na natukso ito at nauwi sa isang one night stand.

Hindi raw ito natanggap ni Carla kaya tuluyan silang naghiwalay.

Umugong rin ang balita na naghahanda na raw ng papeles ang aktres para mag-file ng annulment.

Matapos naman nito ay ang “gag order” daw kay Tom ng kampo nila Carla.

At kahapon nga tuluyan nang napuno ang aktres nagsalita ang aktres sa isyu sa isang mahabang komento sa kanyang YouTube vlog.

Parte ng pahayag ni Carla, “Wala po akong ibinigay kay Tom kundi tunay na pagmamahal, respeto, pag-aalaga, pag-aaruga, pag-unawa, pagtitiis, sangkatutak na pagpapatawad, milya-milyang pasensya, paniniwala, pagtiwala, pag-aasikaso, pag protekta, lahat lahat na.

“Binigay ko po buong buhay ko sa kanya. 7 na taon po akong bawal magalit, magtampo, masaktan, mabigo, malungkot, madismaya dahil hindi po pwede.”

Related Chika:
Tom Rodriguez ginigipit nga ba ng kampo ni Carla Abellana?

Instagram account ni Tom Rodriguez ‘di na mahagilap, nag-deactivate nga ba?

Lolit nabigla sa akusasyon ni Carla kay Tom: Hope for the best na lang tayo para sa dalawa

Read more...