Kris Bernal na-stress sa sand bug bites sa katawan, tinawag na ‘niknik queen’ ng asawa

Kris Bernal na-stress sa sand bug bites sa katawan, tinawag na 'niknik queen' ng asawa
IMBES na mag-enjoy ay mukhang na-stress ang aktres na si Kris Bernal sa kanilang bakasyon ng asawang si Perry Choi sa Palawan.

Sa kanyang Instagram story ay ibinahagi niya sa kanyang followers ang kasalukuyang pinagdaraanan dahil sa sand bug o “niknik” bites sa kanyang katawan.

“Sand bugs were obsessed with my blood. This stresses me out as someone who is very maarte with her skin,” pagbabahagi ni Kris kalakip ang larawan na may mga cream sa braso.

Matapos nito ay may pa-Q&A ang aktres sa kanyang mga followers para tanungin ang mga ito paano nga ba gamutin ang mga kagat ng sand bugs sa kanyang katawan.

 

 

Ipinakita ri niya ang kanyang kasalukuyang sitwasyon dahil sa napakaraming red bumps sa kanyang katawan.

“When I say it’s worse, it’s worse. Just being REAL here. It’s just normal to be bitten by bugs, right! I’m still a human being. This situation is causing me great deal of anxiety. I can’t go out, can’t workout. It’s like I’m sick,” pagkukwento ni Kris.

Sinabi rin niya na pabiro siyang binansagan ng asawa bilang “Queen Nik Nik” dahil sa dami ng kagat sa kanyang katawan.

Nagpasalamat naman siya sa mga netizens na sumagot at nagbahagi ng mga paraan kung paano niya magagamot ang mga sand bug bites sa katawan.

“Thank you for all of your responses to my poll question. Big help! I applied calamine lotion this morning and baking soda tonight,” pagpapatuloy ni Kris.

Nagtanong rin ang aktres kung dapat nga ba niyang gawan ng vlog ang kanyang “nik nik” journey dahil marami sa mga friends niya ang nagsa-suggest na mag-vlog siya ukol rito.

Sa ngayon ay nakabalik na si Kris sa Manila at patuloy pa ring iniinda ang sandbug bites sa katawan.

Related Chika:
Kris Bernal naiyak nang tanungin ukol sa non-renewal ng contract sa GMA: I feel like I was a failure

Bakit nga ba walang kaibigan sa showbiz si Kris Bernal?

Read more...