TRENDING ngayon si JK o Juan Karlos Labajo matapos mag-viral ang kanyang video habang kinakanta niya ang 2018 hit song na “Buwan”.
Sa video na kumakalat ngayon sa social media ay makikita ang singer-songwriter na nagpe-perform sa isang event.
Ang pumukaw sa atensyon ng mga nanonood ay ang pagpapalit ng lyrics ni JK ng kanyang hit song.
“Ako’y sa ‘yo, ika’y di akin. Ganda mo pa rin sa paningin,” umpisa niya na agad kinalungkot ng mga manonod.
Dagdag pa ni JK, “Ako ngayo’y nag-iisa, umaasang ako’y tabihan na.”
Maging ang mga netizens na nag-share ng ka yang video sa social media ay hindi mapigilan makaramdam ng lungkot dahil punung-puno ng emosyon ang pagkakakanta ni Juan Karlos.
Sa comment section ng viral video ay makikita ang samu’t saring reaksyon ng netizens.
“Pinakamasakit talaga na break up is yung walang cheating na nangyari. Yung mutual yung decision nyo nalang maghiwalay kasi hindi na talaga pwede,” comment ng isang netizen.
Saad naman ng isa, “Halatang mahal na mahal niya si Mau.”
Hirit naman ng isa, “Di ko talaga kaya ‘yung healthy break up like gaguhin mo na ako tanggap ko pa pero teh hwjahsjabzjsbxhxb”
Matatandaang nitong June 10 nang gulatin nina Juan Karlos at Maureen Wroblewitz ang madlang pipol nang ianunsyo nila ang kanilang paghihiwalay.
Magka-ibigan na ngayo’y matalik na magkaibigan. Lagi mong tandaan na kahit pagbaliktarin mo man ang mundo, kahit saang lupalop man ng kalawakan, ikaw parin ang nagiisa kong buwan,” saad ni JK sa kanyang social media post.
Dagdag pa niya, “Maraming salamat, mahal kita, at hanggang sa muli.”
Maski sa Instagram post ni Maureen ay nag-comment ang singer-songwriter na hinangaan talaga ng mga netizens sa sobrang mature ng kanilang break-up.
“I am the luckiest person in the world to have spent the past years of my life with you and I wouldn’t choose anybody else to have spend those years with,” saad ng binata.
Pagpapatuloy pa ni Juan Karlos, “You’ve taught me so much and I have learned, I am learning, and I will learn more. We are both so young and we have to enjoy ourselves.
Sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay hangad pa rin ng mangangawit na makamit ng kanyang dating karelasyon ang mga pangarap nito kahit hindi na siya parte ng buhay nito.
“I love seeing you achieve your dreams. You will. We will. Here’s to growth and love for ourselves,” dagdag pa ni JK.
Related Chika:
Juan Karlos, Maureen muling pinakilig ang netizens; certified ka-Bandera rin
JK Labajo sa mga bumabanat sa Leni-Kiko Pasay rally: Imagination lang po namin lahat ‘yun
Juan Karlos, Maureen Wroblewitz hiwalay na: Ikaw pa rin ang nag-iisa kong buwan