NAGPAABOT ng kanyang pakikiramay si BB Gandanghari sa aktres na si Carmina Villarroel sa pagpanaw ng ama nitong si Reggie Villaroel noong June 7.
Noong Martes, June 14, nag-post ang si Carmina ng video sa kanyang Instagram account na may caption na “We miss you Daddy Regy.”
Nag-comment naman dito si BB Gandanghari at nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng mga nawalan.
“I’m so sorry to hear… My sincere condolences and deepest sympathy to you and your family,” saad ni BB.
Aniya, maswerte siya na nakilala ang ama ng aktres dahil isa ito sa mga talaga namang nirerepesto at isa sa mga mababait na taong nakadaupang palad niya.
Pagpapatuloy ni BB, “Daddy Regy is one of the most respectable, kindest and coolest person I have ever met.
“I feel privileged and pleased to have come to know your Dad that I’ve looked up to him from afar.
“I share with your grief at this time of bereavement. May the God Almighty grant your Dad eternal peace. Hugs to you.”
Si BB Gandanghari na dating kilala bilang si Rustom Padilla ay ang ex-husband ni Carmina.
Isa si Rustom sa mga naging sikat na matinee idol noong 90s at isa sa mga naging kasintahan ng mommy nina Cassy at Mavy.
Kalaunan ng kanilang relasyon ay palihim na nagpakasal ang dalawa. Isang civil wedding ang naganap noong June 1994 sa Caloocan City.
Makalipas ng tatlong taon ay inanunsyo nina Rustom at Carmina ang kanilang paghihiwalay sa publiko kasabay rin ng pag-amin ng kanilang sikretong kasal.
Nag-file naman ng annulment si Carmina matapos ng isang taon nilang paghihiwalay ay na-grant ito noong 2002.
Nobyembre 2012 nang muling magpakasal si Carmina kay Zoren Legaspi na ama ng kanyang kambal na sina Cassy at Mavy.
Samantala, 2001 naman nang lisanin ni Rustom ang mundo ng showbiz at bumalik nang sumali ito sa Kapamilya reality show na “Pinoy Big Brother” kung saan siya nag-out at umami na parte ng LGBTQ+ community.
Taong 2009 naman nang magdesisyon itong magbago ng katauhan at ipinakilala ang sarili bilang si BB Gandanghari.
Related Chika:
BB Gandanghari ibinandera ang kaseksihan: ‘Kabogera! Flawless pati singit talo pa tunay na babae!’
BB Gandanghari ganap nang US citizen, sey ni Ogie Diaz: Congratulations!
Bwelta ni Ogie Diaz kay BB Gandanghari: Ini-expect ko naman na titirahin niya ako
BB Gandanghari, Ogie Diaz nagkabati na nang magkita sa US: Nagyakapan kami, wala nang sorry-sorry