“HIT-AND-RUN driver apologizes as PNP give him media time,” ang titulo ng artikulo sa online website na ni-retweet ng kilalang broadcaster at journalist na si Karen Davila at saka niya kinuwestiyon kung bakit hinayaan pa rin itong makalaya.
Tweet ni Karen, “This is so disturbing on so many levels. Suspect admits to running over the security guard as seen on viral video, holds a presscon with the PNP and lets him walk free.”
Matatandaang nabundol at sinagasaan ng SUV driver-owner na si Antonio Sanvicente, Jr. ang security guard na si Christian Joseph Floralde na nag-aayos ng trapiko sa may Mandaluyong City noong Hunyo 5.
Imbes na hintuan ni Sanvicente si Floralde na nabundol niya noong una ay nagtuluy-tuloy pa rin ito at dinaanan ng malalaking gulong niya ang dibdib ng biktima na mabuti na lang at naiiwas nito ang kanyang ulo na base sa kuwento nito.
Sampung araw ang pinalipas ni Sanvicente bago siya nagpakita kay Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao kasama ang kanyang magulang.
Kumilos na ang LTO para kanselahin ang driver’s licence ni Sanvicente sa dahilang hindi nito pagsipot sa ilang beses na hearing.
Pero para kay PNP Lt. Gen. Danao ay hindi puwedeng hulihin ang driver dahil kusa itong nagpakita kaya isasalilaim lamang siya sa inquest proceedings.
Maraming netizens ang nadismaya sa procedures ng PNP dahil kung sakaling mahirap daw si Sanvicente ay tiyak na nakakulong na ito at hindi palalayain hangga’t hindi siya pinapatawad ng nasagasaan niya.
Pero dahil mayaman kaya nakauwi rin ito at binigyan pa ng magandang exposure ng media at higit sa lahat kinuwestiyon din ang katwiran ng ina na nag-aalala siya sa future ng anak dahil nga nag-viral ang video nitong nakasagasa siya.
Pero ayon sa batas ay 10 araw na ang nakalipas kaya hindi na puwedeng hulihin si Sanvicente maliban na lang kung iuutos ito ng korte.
Tungkol naman sa pahayag ni Gng. Sanvicente na nag-aalala siya para sa anak at naiintindihan namin iyon bilang ina, pero sana hindi na pinatagal ng sampung araw bago nila isuko ang anak na ang katwiran nga ay nag-aalala siya.
Sa nasagasaan ng anak, hindi siya nag-alala at sa pamilya nito?
Samantala, suhestiyon naman ni Sen. Tito Sotto, ipa-drug test si Antonio Sanvicente, Jr..
https://bandera.inquirer.net/316040/driver-ng-suv-na-sangkot-sa-kasong-hit-and-run-at-nakasagasa-ng-sekyu-sumuko-na-sa-pnp
https://bandera.inquirer.net/302529/karen-binasag-ang-basher-na-nagsabing-wala-siyang-ginawa-kundi-mag-travel-get-a-life-man
https://bandera.inquirer.net/285889/karen-na-depress-napapaiyak-dahil-sa-pagkapaos-i-wanted-to-quit-i-was-so-scared-to-go-to-work