#WalaNangAtrasan: Vin Abrenica, Sophie Albert naghahanda na sa kanilang bonggang wedding

Sophie Albert at Vin Abrenica

MAGKATULONG sa preparasyon ng kanilang kasal ang engaged celebrity couple na sina Vin Abrenica at Sophie Albert.

Mahigit isang taon na ngayon ang nakalilipas nang ibandera ng magdyowa sa publiko ang kanilang engagement.

At ngayon nga ay magiging busy na sina Sophie at Vin sa paghahanda para sa pinakaaasam na pag-iisang dibdib kasama siyempre ang panganay nilang anak na si Avianna Celeste.

Sa Instagram Stories ni Sophie, makikita ang litrato nila ni Vin kasama ang kanilang wedding coordinators na kuha sa ginanap na meeting recently about their wedding.

Kasama nila rito si Charisse Tinio, ang may-ari ng Nice Print Photography at ang event stylist na si Gideon Hermosa.

“Wedding things (ring emoji),” ang tanging caption na isinulat ni Sophie sa kanyang IG post. Wala nang ibang detalye tungkol sa magaganap na kasalan na inilagay ang Kapuso actress sa nasabing post.

Matatandaang in-announce ng showbiz couple ang kanilang engagement noong February, 2021. Nag-propose si Vin kay Sophie habang isinasagawa ang maternity shoot ng aktres sa Batangas noong Dec. 12, 2020.

“You’ll never know when you are truly ready until you realize who you’re living and breathing for. It’s you @itssophiealbert.

“We’ve grown up together and I look forward to growing old together. Good luck, you are stuck with me for life,” ang mensahe ni Vin sa kanyang fiancé nang isapubliko na niya ang naganap na engagement.

Sagot naman ni Sophie sa message ni Vin, “We’ve been savoring our precious moments and we are ready to share our joy and excitement! WE ARE ENGAGED!

“Thank you @vinabrenica for everything. Thank you for being you and for making everything special. I am blessed to have you as my best friend for life,” aniya pa.

Unang nagkakilala sina Vin at Sophie taong 2012 nang magkasama sila sa reality talent search ng TV5 na “Artista Academy.”

https://bandera.inquirer.net/279818/vin-kay-sophie-naka-short-shorts-nakataas-yung-legs-na-parang-uy-nakikitaan-ka-na-ng-kaluluwa

https://bandera.inquirer.net/280443/vin-umaming-pinagselosan-si-derek-sophie-naloka-sa-malanding-aktres
https://bandera.inquirer.net/280443/vin-umaming-pinagselosan-si-derek-sophie-naloka-sa-malanding-aktres

Read more...