Brenda Mage may launching movie na: Nahirapan ako sa bed scene kasi hindi naman po ako malandi sa totoong buhay!
MASWERTE ang taong 2022 para sa Kapamilya comedian na si Brenda Mage dahil talagang hindi siya nawawalan ng raket kahit pa nasa gitna pa rin tayo ng COVID-19 pandemic.
Bukod sa kanyang kontrobersyal na pagpasok sa “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” at ilan pang mga karaketan, may launching movie na rin ngayon ang komedyante, ang “Sosyal Medya.”
Sa nasabing pelikula masasaksihan hindi lang ang talento niya sa pagpapatawa kundi pati na rin ang itinatagong husay sa pagdadrama.
“I play the role of Lexie, isang vlogger na nagkaroon ng affair sa isang lalaki na, sad to say, meron din palang nagmamahal na iba. At du’n nag-umpisa ang krimen,” kuwento ni Brenda Mage sa panayam ng ABS-CBN.
Ang “Sosyal Medya” na isang thriller-drama ay mapapanood sa bagong streaming app na AQ Prime Stream, na isang international partnership sa pagitan ng mga Filipino at Korean producers.
Kuwento pa ni Brenda, “First lead role ko kaya natatakot ako. Hindi naman ako nahirapan sa role dahil isa akong vlogger in real life.
View this post on Instagram
“Ang nahirapan ako is meron akong bed scene! Kasi, ‘di po ako malandi sa totoong buhay. Charot! Thankful lang ako na super crush ko ‘yung partner ko, kilala ko noong 2019 palang so talagang ang saya-saya ko,” sey ng komedyante na ang tinutukoy ay si Mark Aaron Hernandez.
Kasama rin niya sa pelikula sina Kristof Garcia at DJ Onse, sa direksyon ni Greg Colasito.
Pagbabalik-tanaw naman ni Brenda Mage sa kanyang showbiz career, “Dati akong production assistant ng aming director. Sa kanya po ako nag-umpisa, nag-a-assist ako sa kanya at sa mga alaga niyang artista hanggang sa ako ‘yung naging artista niya. O, ‘di ba, from PA to actor!”
Pagmamalaki pa niya sa kanilang movie, “Dapat itong panoorin dahil it’s an eye opener. Sana makaka-relate sila sa message na mahirap lumugar at umibig.
“Maraming kumplikado lalung-lalo na kung nahihirapan kang maging totoo sa sariling kasarian at nagtatago sa kasinungalingan. Kaya maraming nagkakaroon ng anxiety at nakakagawa ng hindi maganda,” pahayag pa ni Brenda.
https://bandera.inquirer.net/301005/ano-ang-pinakamahal-na-regalo-na-ibinigay-ni-brenda-sa-kanyang-dyowa
https://bandera.inquirer.net/301114/brenda-mage-nag-alala-sa-pamilyang-naapektuhan-ng-bagyong-odette-babalik-na-naman-po-sila-sa-umpisa
https://bandera.inquirer.net/301009/jelai-andres-sa-nawasak-na-relasyon-hindi-lang-po-ako-nahirapan-gumapang-talaga-ko
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.