Ogie Diaz pinayuhan sina Zeinab at Skusta, ‘wag nang idamay ang anak sa iskandalo

Ogie Diaz pinayuhan sina Zeinab at Skusta, 'wag nang idamay ang anak sa iskandalo

PATULOY pa ring pinag-uusapan ang social media influencer na si Zeinab Harake at ang Ex-Batallion member na si Skusta Clee sa kabila ng ilang buwan na nilang paghihiwalay.

Kamakailan kasi ay parehas na nag-perform ang dalawa sa Aurora Fest 2022, isang 2-day music festival na ginanap sa Clark, Pampanga.

Unang nagperform si Skusta Clee noong day 1 kung saan puro pamba-bash ang inabot niya sa madlang pipol samantalang panay palakpakan at hiyawan naman ang sumalubong kay Zeinab.

Dahil dito ay isa sila sa mga naging topic sa Youtube vlog ni Ogie Diaz kasama sina Mama Loi, Dyosa Pockoh, at Mrena na in-upload kahapon, June 14.

Dito nga ay nagbigay ng payo ang talent manager sa dalawa para na rin sa ikabubuti ng anak nilang si Baby Bia.

“Sana lang pag gumawa ka ng bata o gumawa ka ng responsibilidad, panindigan mo. Itong kay Skusta, kung galit man siya kay Zeinab, kay Zeinab siya galit dapat hindi doon sa bata,” saad ni Ogie.

Pagpapatuloy niya, “Dapat walang kinalaman ang bata, inosente ang bata para idamay. Gawin mo pa rin ang responsibilidad mo bilang ikaw naman ang ama ng bata.”

Ani pa ni Ogie, mahirap daw na sa paglaki ng bata ay mabasa nito ang mga nasa social media at malamang pinabayaan siya ng ama habang lumalaki at iniwan sila ng kanyang ina noong bata pa lang sila.

“Dapat hindi lang kanta ang pinaninindigan natin. Hindi lang kanta o yung mga lyrics na ginagawa sa mga kantang ginagawa natin ang isinasapuso natin, pati sana yung responsibilidad natin bilang ama, bilang magulang ng bata,” sabi pa niya.

Nagbigay rin ng mensahe si Ogie para kay Zeinab na talgang hinahangaan niya sa pagiging matapang nito sa kabila ng kanyang pinagdaraanan.

“Gusto ko lakasan mo ‘yung loob mo pero at the same time, dapat nagma-mature na tayo lalo na at mayroon na tayong ipinaglalaban.”

Aniya, hindi naman daw sa lahat ng pagkakataon ay dapat alam ng madlang pipol ang mga nangyayari sa kanyang buhay na pwede namang daanin sa korte o sa mga close friends na maaaring maging tulay ng komunikasyon sa bata.

“Kung talagang wala nang pagmamahal, hayaan mo na siya. Marami namang nanay na kayang panindigan ang kanilang anak. Kung gusto niyang makita ang anak niya, e di pagbigyan mo.

“Wag mo lang idadamay yung relasyon ng bata sa kanyang ama. Wag mong i-deprive ng pagmamahal ng tatay ang bata. Wala yang kinalaman, inosente yan. At sana pareho kayo na mapalaki n’yo nang maayos ang bata,” sey ni Mama Ogie.

Sa ngayon ay abala si Zeinab sa pagpapabuti ng sarili at madalas nga ang quality time nito kasama ang kanyang anak na si Baby Bia na nag-celebrate ng ika-1st birthday noong Abril.

Related Chika:
Skusta Clee nakabuntis nga ba kaya hiniwalayan ni Zeinab Harake?

Para kay Skusta Clee nga ba ang hugot ni Zeinab Harake na ‘Make sure you’re a good man’?

Xian Gaza nanganganib makasuhan ng cyber-libel sa pakikisawsaw kina Skusta Clee at Zeinab Harake?

Read more...