Denise Laurel tanggal na ang cyst sa likod ng ulo: I’m excited to finally get better sleep

Denise Laurel tanggal na ang cyst sa likod ng ulo: I'm excited to finally get better sleep

MASAYANG-MASAYA ang aktres na si Denise Laurel nang ibalita niya ang pagkakatanggal ng cyst sa likod ng kanyang ulo.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng aktres ang kanyang larawan matapos siyang sumailalim sa isang surgery nitong nagdaang weekend para tuluyan nang matanggal ang matagal nang bumabagabag sa kanyang cyst.

“I gave birth! Lol jk. Meet Harry the cyst haha,” pabirong saad ni Denise.

“Sooooooo much relief from the pressure in my head that I’ve been just sucking up and dealing with!” pagpapatuloy niya.

Labis naman ang pasasalamat ni Denise sa mga doktor at sa grupong nag-alaga sa kanya habang isinasagawa ang kanyang surgery.

 

 

Sa katunayan ay diretso trabaho na nga agad ang aktres matapos matanggal ang cyst sa likod ng kanyang ulo.

“It’s been bugging me for quite some time. I’m excited to finally get better sleep. Yayyyyy!!!!” dagdag pa ng aktres.

Masaya rin ang mga netizens at mga showbiz friends ni Denise dahil finally ay magiging maayos na ang kanyang pakiramdam.

“Ay grabe yan pala ang cause! So happy that you are feeling much better,” comment ni Chynna Ortaleza.

Saad naman Iya Villania, “Oh em sistah!! Glad you got that out!!!!”

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na sumailalim si Denise sa isang surgery para tanggalin ang cyst sa kanyang katawan.

Noong 2017 ay nagkaroon rin siya ng cyst extraction sa kanyang dibdib.

Related Chika:
Sol Mercado nakipagsagutan sa nang-okray kay Sandra Lemonon; Denise Laurel nadamay

Baguhang sexy star na si Denise Esteban handang makipagsabayan sa hubaran kina AJ Raval, Cindy Miranda at Angeli Khang

Dani Barretto muling nakasama si Bela Padilla: My sister is back!

Read more...