Moira dela Torre maglalabas nga ba ng 10-minute version ng ‘Malaya’?

Moira dela Torre maglalabas nga ba ng 10-minute version ng 'Malaya'?
TRENDING ngayon ang singer-songwriter na si Moira dela Torre dahil sa inilabas nitong video nitong nagdaang June 12.

Sa kanyang social media accounts, ibinahagi ng singer ang isang TikTok video kung saan kinakanta nito ang isa sa kanyang hit song na “Malaya” sa mismong selebrasyon ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

“Happy malaya day,” saad ni Moira sa kanyang Instagram post.

Sa naturang video ay may mga inibang lyrics ang singer mula sa original niyang komposisyon na agad nag-viral.

Isa pa sa mga nakapukaw ng pansin ng madlang pipol ay ang text sa video na “Malaya 10 min version”.

 

 

Matatandaang kamakailan nang aminin sa publiko ni Marvin Hernandez ang desisyon nilang maghiwalay ni Moira matapos ang kanilang tatlong taong pagpapakasal dahil sa kanyang pagiging “unfaithful” sa singer-songwriter.

Enero 2019 nang ikasal ang dalawa at unang pumutok ang balitang tila on the rocks na ang relasyon ng dalawa noong April 2022 nang may mga netizens na nakapansin na inalis na ng mang-aawit ang ilan sa mga larawan nila ng asawa sa Instagram, maging ang surname na Hernandez” sa personal Facebook account niya.

May mga netizens nga na nagsasabi na baka gumawa si Moi ng kanyang 10-minute version gaya ng ginawa ng international singer na si Taylor Swift na labis na nasaktan sa nangyari sa kanyang love life noon kaya umabot ng 10 minutes ang kanta nitong “All Too Well”.

At ngayon nga ay tila nagpapahiwatig na ang isa sa mga hurado ng “Idol Philippines” season matapos nitong ilabas ang TikTok video nito.

Umani naman ito ng samu’t saring komento mula sa mga netizens.

“HALA KAYO MAY 10 MINUTE VERSION NA!!!!” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Kapag broken si Moira, broken buong Pilipinas.”

Dagdag naman ng isa pang netizen, “Malaya during Independence Day. Ang sakit sakit.”

Wala pa namang pormal na anunsyo si Moira kung kailan niya ilalabas ang kanyang 10-minute version ng “Malaya” pero siguradong marami na naman ang pusong mawawasak at makaka-relate kapag ini-release na ito ng singer.

Related Chika:
Moira ‘nagluluksa’ hindi lang dahil sa breakup nila ni Jason: Namatay din bestfriend ko, may cancer ‘yung driver ko, namatay ang tito ko…

Jake Zyrus nadamay sa “All Too Well” ni Taylor Swift

Vice Ganda sinupalpal ang netizen na sinabing susunod na siya kay Moira na makikipaghiwalay

Read more...