MARAMI ang natuwa sa bagong post ng talent manager at comedian na si Ogie Diaz ukol sa bagong bili nitong gamit.
Sa kanyang Facebook post ay ibinandera ng talent manager na ang kanyang larawan habang may katabing mamahaling sasakyan.
“35 years na rin naman ako sa entertainment industry. Kung wala pa akong nararating, nakakahiya naman sa sarili ko. Ibig sabihin, di ko ginamit ang utak ko, ang talento ko, para marating ang kung anuman ako ngayon,” umpisa ni Ogie.
“Saka deserve ko rin naman ito. Bugbog na yung luma ko. Naghihingalo na, ika nga, kaya dapat nang bumili ng bago,” pagpapatuloy niya.
Mukha ngang nahirapan pa si Ogie sa pagpili lalo na’t marami ang choices dahil mayroon daw kulat pula, dilaw, itim, puti, at silver.
“Ang tagal ko pang nag-decide. Itong green ang napili ko. Masarap sa mata. Lutang na lutang,” pagbabahagi niya.
Okay na okay raw ang kulay green para madaling makita at mapansin ang bago niyang kagamitan
“Mapapansin agad ang bago kong biling charger,” pag-reveal ni Ogie.
Marami naman ang naaliw sa post ng talent manager dahil ang buong akala ng iba ay bumili ng brand new green Lamborghini.
“Someday makakabili din ako ng Fast Charger Mama Ogs! Congrats po!!!!” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “You deserve that Mama Ogie Diaz. Ganda ng kulay! Swerte daw yang kulay na yan! More power to you! God bless your family and career!”
Hirit pa ng isa, “Huwoooow congrats Papa Ogie. Lutang na Lutang nga sa Green ang bago mong charger.”
Sa ngayon ay may mahigit 23k reactions na ang post ng talent manager.
Related Chika:
Long Mejia maraming dapat baguhin pag nagpa-manage kay Ogie Diaz: Anong gusto mo mala-Alden Richards?
Julia hindi pa nagte-taping sa ‘Probinsyano’ pero ‘bugbog na bugbog’ agad kay Coco