Sunshine bilib sa pagiging kuya ni Diego sa 3 anak: Pag may manliligaw dudurugin daw niya yung mukha, pero joke lang yun! | Bandera

Sunshine bilib sa pagiging kuya ni Diego sa 3 anak: Pag may manliligaw dudurugin daw niya yung mukha, pero joke lang yun!

Ervin Santiago |June 13,2022
facebook
share this

Sunshine bilib sa pagiging kuya ni Diego sa 3 anak: Pag may manliligaw dudurugin daw niya yung mukha, pero joke lang yun!

Ervin Santiago - June 13, 2022 - 01:00 PM

Sunshine Cruz, Angelina, Sam, Cheska Montano at Diego Loyzaga

ABOT-LANGIT ang paghanga at mga binitiwang papuri ni Sunshine Cruz sa half-brother ng kanyang tatlong anak na si Diego Loyzaga.

Kuwento ng aktres at celebrity mom, grabe raw talaga ang pagmamahal at pagprotekta ng binatang anak ni Cesar Montano sa mga kapatid nitong babae na sina Angelina, Sam at Cheska Montano.

“Napakabait na bata ni Diego kaya nga mahal na mahal ng mga anak ko at mahal namin. Wala, he’s the best. Sobrang spoiled nu’ng mga bata,” sabi ni Sunshine sa isang interview.

“Minsan nga ako pa yung nagsasabi na, ‘Anak, huwag niyo paggastusin nang paggastusin si kuya Diego. Dapat kayo rin nag-se-share kayo pag lumalabas.’

“Pero sobrang spoiled yung mga bata to the point na ayoko, hindi ko gusto. Sabi ko nga, ‘Kayong mga bata kayo, kumikita na rin naman kayo. So minsan kayo naman yung manlilibre kay kuya.’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sunshine Cruz (@sunshinecruz718)


“So he’s very generous at saka sobrang protective sa mga anak ko. Pag merong manliligaw dudurugin daw niya yung mga mukha. Ha-hahaha! Pero joke lang yun. It’s just a joke.

“Pero napakabait niya na kuya and sabi ko nga, misunderstood lang siguro ng iba pero the best. Wala na akong ibang ma-i-imagine na napakabuting kuya kundi si Diego para sa mga anak ko,” pahayag ng dating asawa ni Cesar.

Nagkuwento rin si Sunshine tungkol sa iba’t ibang personalidad ng tatlong anak, “Si Cheska ito yung baby. She’s 16. Siya yung baby pa rin for me. Bunso. Kamukhang-amukha ng tatay, di ba? So very proud ako diyan at siya yung pinaka-funny. Baby pa rin ‘to.

“Si Sam ito yung pinakamaingay, very funny, malambing, outgoing. Sa sobrang outgoing every night gusto magpaalam sa akin. Du’n ako nagiging magulang na may curfew at saka hindi always yes. Mag-e-18 na ‘to.

“Itong si Angelina ateng-ate. Napakahinhin. Manang-mana sa akin. Mabait. So kapag pinagsama-sama sila, makukulit talaga and ako kasi introvert so minsan sa sobrang ingay sa bahay nagpapaalam na ako at nagsasabi ako na du’n na muna ako sa kuwarto ko kasi naiingayan ako.

“Pero kapag wala naman sila nami-miss ko sila kasama, kasi ang tahi-tahimik sa bahay,” lahad ni Shine.

Tawa naman nang tawa ang aktres nang sabihing mas sikat na sa kanya ang mga anak, “Sa totoo lang, mas marami pa nga ang likes nila, mga millennials nagla-like.

“Ang mga Gen X tumitingin lang hindi masyado nagla-like kaya sinasabi ko sa kanila, ‘Anak naman i-post niyo naman sa Instagram Stories yung picture ni mommy para may mag-like.’ Ha-hahaha! So, ganu’n na ngayon talaga and I’m very, very happy and proud of my kids.

“All the time naman sobrang proud ako dito sa mga lumaking hindi lang matatalino at mababait at magaganda pa. Manang mana sa pinagmanahan,” tumatawa pa ring chika ni Sinshine.

Samantala, may pakiusap din ang aktres sa kangang “Tres Marias” pagdating sa pagpapaligaw, “Kung meron silang manliligaw kailangan humarap sa akin. Gusto ko nakakausap ko, yung humaharap. Ayoko yung nakikita ko sila sa labas. That’s a no-no for me. Meron na. For now daw wala.

“Sobrang open ng communication namin ever since. Kasi yan ang deal namin sa isa’t isa nung nahiwalay. Of course gusto ko very open sila sa akin kesa sa kaibigan nila kasi bilang magulang gusto kasi natin yung makakabuti sa kanila.

“Siyempre kapag may nangyari sa kanila ako din yung masisisi, di ba? So mas mabuting maging totoo na lang kayo sa akin and ako naman game naman ako.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Naiintindihan ko naman, 16 years old ako nu’n nililigawan na ako so hindi natin maiaalis yan. Pero of course kailangang protektahan ko pa rin sila and ayoko lang masira yung tiwala na ibinibigay ko sa kanila. Kasi sabi ko kapag nawala yun, mahihirapan na kayong magpaalam sa akin,” mahabang paliwanag ni Sunshine.

Sunshine Cruz sa netizen na pumansin ng kanyang ‘sexy outfit’: I don’t think may chart ang attire according to age

Barbie Imperial umasa nga bang magkakabalikan pa sila ni Diego Loyzaga?

Sunshine todo pasalamat kay Diego sa pagiging ‘protective at best kuya’ sa kanyang Tres Marias

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending