ISINIWAT ng volleyball superstar na si Deanna Wong na hindi naging madali ang kanyang journey sa pg-amin sa kanyang mga magulang ukol sa kanyang gender preference.
Ito ang inamin ng dalaga sa kanyang panayam sa brodkaster na si Karen Davila sa YouTube vlog nito.
Nabanggit kasi ng broadcaster sa interview na marami ang humahanga kay Deanna sa pagiging “authentic” nito kaya na-curious ang broadcaster kung nag-“come out” na nga ba ang dalaga.
“In a way, it says that. I haven’t really being straight to the point with it [sexuality], being direct with it but syempre siguro I think it says na something na parang, ‘Ito ako, this is who I am.’ Sila na lang ang bahala mag-interpret kung ano yun,” sagot niya.
Sa kabila ng indirect na sagot ni Deanna ay inamin naman niya na ina-acknowledge niya ang sarili bilang bahagi ng LGBTQ+ community.
Dito ay tinanong na ni Karen kung naging madali ba para sa dalaga ang kanyang pag-come out sa mga magulang.
“Yes it was, very very much. Lalo na them [parents] coming from a different generation, they have their own personal beliefs, opinions, perspectives, hindi kami nagkasundo,” pagkukwento ni Deanna.
Aniya, mas naging mahirap daw ito para sa kanyang ama dahil nga sa sarili nitong paniniwala.
“He didn’t go for it kasi yun nga, his beliefs nga, we’re saying something different. Sa isip ko kasi, you live your own life and your life means doing things that make you happy,” dagdag pa ni Deanna.
Natanong naman ni Karen kung paano niyakap ng volleyball player ang sarili.
“It was me believing na nagustuhan ko lang naman yung tao eh, parang minamahal ko lang naman siya. And if I’m not stepping on anyone’s toes, or anything like that, hindi naman siya mali. It wasn’t really because I was who I am right now, dahil nga naglalaro ako ng volleyball. It’s just because how I really felt,” pagbabahagi ni Deanna.
Matatandaang marami ang mga naging tagasuporta nila ng kapwa volleyball player na si Jema Galanza noong 2020 ngunit marami rin nalungkot nang mapabalita naghiwalay na sila nitong taon.
Nang tanungin naman siya kung posible bang tumanggap siya ng male suitors na mabihag ang kanyang puso, diretsong saad ni Deanna, “We’ll see. Nothing is impossible.”
“I don’t really have a type so if I like the person, I like the person. If I love the person, I love the person as long as that person will treat me right, is kind, is God-fearing, go, why not?” dagdag pa niya.
Related Chika:
Ken laging may kasamang psychiatrist sa taping: Alam kong hindi magiging madali
Jake hindi hinayaang maapektuhan ang pagtatrabaho sa naging problema sa PNP