ANG pambato ng Pilipinas na si Shane Tormes ang nagwagi ng korona bilang Miss Global 2022.
Ginanap ang naturang beauty pageant sa Bali Nusa Dua Convention Center sa Indonesia nitong June 11, 2022.
Si Shane ang kauna-unahang Pilipina na nakasungkit ng naturang titulo.
“Always be FEARLESS in the pursuit that sets your soul ON FIRE. I am and will always be grateful for the 11 years of being on stage representing not just myself but different places all over the country,” saad ni Shane sa kanyang Instagram post bago pa man mangyari ang coronation night.
Pagpapatuloy niya, “Finally this moment has come that has been my long awaited dream. I am proud to be called PINAY and I am happy to be able to represent you PHILIPPINES.
“Maraming salamat po sa mga patuloy na naniniwala at sumusuporta. Mabuhay po tayong lahat! LABAN PILIPINAS!”
Tinanong ang Top 13 candidates kung ano ang kanilang pagkakaintindi o interpretasyon sa tema ng Miss Global 2022 na “Built To Last”.
Dito nga naikuwento ni Shane ang pinagdaanan ng ina na pumanaw noong Disyembre nang dahil sa cancer na siyang naging insipirasyon niya sa buhay at sa mga pagsali sa beauty pageants.
“Before my Miss Global journey, I just lost my mom last December due to cancer. And she was the very inspiration why I took the motivation to continue my journey.
“Built to last, it means rebuilding my life until the very end. I believe that in every chapter, in every adversity, we have to stand up,” saad ni Shane.
Dagdag pa niya, “I believe that even though my mom is not physically here anymore, she has the best seat in heaven watching over me.
“And I believe, whatever you’ve set to, pray to, cried to, is the setup for your next best season.”
Related Chika:
Miss World 2021 ipagpapaliban muna dahil sa banta ng COVID-19
Nesthy Petecio kauna-unahang Pinay boxer na nagwagi ng medalya sa Olympics
Lolit Solis nag-sorry matapos banatan ng netizens nang ikumpara si Marian kay Bea