Chito inamin kung paano napasagot si Neri: I made sure na hahanap-hanapin niya ako

Chito inamin kung paano napasagot si Neri: I made sure na hahanap-hanapin niya ako
IBINANDERA ng Parokya Ni Edgar frontrunner na si Chito Miranda kung paano niya nabihag ang puso ng kanyang asawang si Neri Naig-Miranda.

Sa kanyang social media post ay inamin niya na marami raw mga “macho” at “mayayaman” na nanliligaw sa kanyang asawa pero sa kabila noon ay siya pa rin ang pinili ni Neri.

“Ako lang ang bukod-tanging nagpa-tawa sa kanya ng wa-poise. Sinigurado ko na sobrang enjoy sya kapag kasama nya ko, para mamiss nya ko kapag di na nya ako kasama,” pagkukwento ni Chito.

Aniya, never daw siyang naging crush ni Neri.

“Hindi ako yung tipo nya…pero I made sure na hahanap-hanapin nya ako kapag wala ako,” pagpapatuloy pa ni Chito.

Itinuring daw niya bilang prinsesang si Neri habang magkabarkada sila pero sa totoo lang ay may malisya talaga ang kanyang mga ipinapakita sa asawa.

“I made sure na spoiled sya sa akin (prinsesa), pero kaya ko syang kutusan at patawanin (barkada), at sinigurado ko na alam nya na hindi lang ‘friendship’ang habol ko sa kanya (malisya),” pagtatapat ni Chito.

At matapos nga raw ng ilang buwan ay napasabi na sa kanya ng “i love you” si Neri at ang mayabang niyang sagot ay “I know”.

“Oo…alam ko…mayabang ako. Pinagyayabang ko talaga na sinagot nya ako, at na asawa ko na sya ngayon,” taas noong saad ni Chito.

 

 

Sweetness overload naman daw ang naging ganap ng Parokya ni Edgar vocalist kaya naman labis ang kilig na nadarama ng netizens sa kwento nito.

“Malisya talaga ang nagdala, idol! At sa dila mo na kay tamis bumanat,” saad ng isang netizen.

Comment baman ng isa, “Cute kasi pag ganon. Treat kang prinsesa me malisya na me respeto. Tapos napapatawa ka talaga mas angat un. Salute po lagi sa inyo idol. Mula bata pa ako, idol ko na kayo. Matanda na po ako ngayon still idol pa rin lol. And nakaka-inspire si mam neri. Flex lagi.”

“Sana Kuya Chito dumami pa ang katulad mo. Swerte n’yo po sa isa’t isa. Idol ko po kayong dalawa ni Ma’am Neri kung paano n’yo suportahan ang desisyon ng bawat isa at galangin. Couple goals ko po kayo. Stay in love forever po,” dagdag pa ng isang netizen.

Related Chika:
Chito muling pinuri ang asawa: Napakaganda ni Neri, medyo weird, pero sobrang bait!

‘First Yaya’ director biglang naalala si Wenn Deramas sa viral ‘basura’ comment ni Andoy Ranay

Alice Dixson naturukan na ng ikalawang Covid-19 vaccine; netizen umalma

Read more...