Nesthy Petecio kauna-unahang Pinay boxer na nagwagi ng medalya sa Olympics | Bandera

Nesthy Petecio kauna-unahang Pinay boxer na nagwagi ng medalya sa Olympics

Therese Arceo - August 03, 2021 - 08:30 PM


BUONG Pilipinas nga ang nagbubunyi kabilang na ang mga kilalang celebrities sa tagumpay na nakamit ni Nesthy Petecio sa ginanap na Tokyo 2020 Olympics.

Hindi man ginto ang napanalunan, gumawa pa rin ng kasaysayan si Nesthy bilang kauna-unahang Pinay boxer na nagwagi ng medalya sa Olympics.

Nagwagi ng Silver medal ang 29-year old Pinay boxer sa laban nila ni Sena Irie na siyang nagkamit ng gold medal via unanimous decision.

Proud na proud pa rin ang buong bansa sa narating ni Petecio. Para sa mga netizens, walang katumbas ang ibinigay na pagmamahal at parangal ni Nesthy para sa buong Pilipinas.

Tulad ni Hidilyn, bumuhos rin ang maraming biyaya para sa Pinay boxer. Makakatanggap ito ng P17 million cash (P5 million from the Philippine Sports Foundation, P5 million from the Manny V. Pangilinan Sports Foundation, P5 million from the San Miguel Foundation, P2 million from House Deputy Speaker Mikee Romero).

Bukod pa rito, makakatanggap ron ang atleta mula sa Davao del Sur ng unlimited flights sa Philippine Airlines samantalang unlimited flights for 5 years mula sa Air Asia.

Magkakaroon rin ng sariling condominium unit sa Davao city na nagkakahalagang P10 million mula sa Suntrust at bahay at lupa na nagkakahalagang P2.5 million from Ovialand.

Nangako rin ang Nestea Philiipines ng mga produkto nitong Nestle products para sa kanyang hometown at sa mapipili nitong charity.

Nagpasalamat naman si Nesthy sa mga nagdasal at sumuporta sa kanya. Nanghingi rin ito ng pasensya sapagkat silver lang raw ang kanyang naibigay para sa bansa.

Marami naman ang nagsabi na hindi ito mahalaga at mananatiling saludo ang buong mga Pilipino sa kanya.

May netizen rin na nagsabing hindi man iyon ginto, pero para sa kanya, parehas lang ng sa ginto ang kinang ng silver medal ni Nesthy sa kaniyang mga mata.

Bumuhos naman ang mensahe ng pagbati sa Pinay boxer dahil sa karangalang naibigay nito sa bansa kabilang na ang mga kilalang personalidad.

“Congratulations, Nesthy! (clapping emoji),” ani Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Sey ni Jeff Canoy, “Sweet Nesthy! Mabuhay ka! First Olympic medal for a Pinay boxer and another podium finish for the Philippines in Tokyo 2020. What a time for PH sports history/herstory. ”

Bati naman ni Kim Chiu, “First Filipina to win a boxing medal for the Philippines! Congratulations @neshpetecio”

Proud na proud rin si Ice Seguerra sa nakamit ni Nesthy, “SILVER! Congratulations [Nesthy Petecio] for bringing pride to our country! Thank you for the hard work. Yung puso ko nasa lalamunan ko the whole time. Taas noo, Nesthy!!! Taas noo, Pilipinas!!!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hirit naman ni Liza Soberano, “This made me tear up. Congratulations [Nesthy Petecio]!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending