IKINASAL na ang dating “Pinoy Big Brother” ex-housemate at vlogger na si Joe Vargas sa kanyang girlfriend at kapwa vlogger na si Bianca Yanga.
Ikinasal ang dalawa nitong Miyerkules, June 8, sa Club Ananda na matatagpuan sa Nasugbu, Batangas.
Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ag kaganapan sa kanilang kasal.
Pagkukwento ni Joe, ““While waiting for Bianca walk down the aisle, my mom whispered something…. ‘Anak sobrang ganda ng lugar, sobrang ganda ng set up dito sa Ceremony and lalo yung reception, di ka ba mahihirapan nyan? Di ba pinilit?’
“Then I asnwered, ‘Ma, sinubukan namin, nagawa naman namin, ngayon mas nalalaman na namin mga kaya namin gawin together.’”
Umaapaw rin naman talaga ang celebrity guests ni Joe dahil present bilang kanyang best men ang kanyang mga kaibigang sina Marco Gumabao, Gerald Anderson, Patrick Sugui, at Ryan Bang.
Samantalang parte naman ng bridal entourage sina Julia Barretto, Magui Ford, Ria Atayde, Gabbi Garcia, Chie Filomeno, at Aeriel Garcia.
Sa post naman ni Bianca ay ibinahagi niya kung gaano siya kaswerte sa kanyang napangasawa.
“I am so proud of you. I am so proud to be your wife. We did it! Ang galing talaga ni Lord. I love you, Husband,” saad niya.
Matatandaang noong Enero 2022 nang ibahagi ni Joe sa kanyang Instagram ang kanyang pagpo-propose sa ngayon ay asawa na niyang si Bianca.
“The Love of My Life said “YEZZIR”. Sigurado ako maganda kalalabasan ng anak namin, YEZZIR ulit.
“Salamat sa lahat ng mga taong masaya para samin. Mahal namin kayo.
“PS. Napaka puti mo sa pic ng magka hug tayo @byanga love it,” saad ni Joe.
Sina Joe at Bianca ay ilan lamang sa mga parte ng Nguya Squad nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Related Chika:
TJ Valderrama binigyan ng flowers si Karen Bordador sa kanilang muling pagkikita
‘PBB 10’ ex-housemates nag-reunion sa outside world; ShaiBie, KyChie nagpakilig