Aubrey Miles, Troy Montero ikinasal na matapos ang 18 years na pagsasama

Aubrey Miles, Troy Montero ikinasal na matapos ang 18 years na pagsasama

Screen grabbed from Aubrey Miles’ IG account: @milesaubrey

MAKALIPAS ng 18 years ng kanilang pagsasama ay finally, ikinasal na ang celebrity couple na sina Aubrey Miles at Troy Montero.

Kalat na nga ngayon sa social media ang mga larawan ng kanilang intimate civil wedding na ibinahagi ng kanilang malalapit na kaibigan at kaanak sa pamamagitang Instagram stories.

Ni-reshare naman ito nina Aubrey at Troy sa kanilang mga account.

Nag-post na rin ang dating aktres sa kanyang Instgram account ng mga larawan na kuha sa kanilang civil wedding.

“It’s Official! After 18years together, it only takes 30mins to sealed it. We did it @troymontero.

“Shout out to our ninongs and ninangs @coraldeguzman @authentecite Also to the mayor of mandaluyong, Mayor Carmelita Abalos, maraming salamat po,” saad ni Aubrey.

Samantala, nagbahagi naman ng video sa kanyang IG ang entertainment reporter na si Gretchen Fullido sa naganap na kasal ng dalawa.

“Finally! After 18 years of being together, @troymontero & @milesauvrey tie the knot in a civil ceremony presided by Mandaluyong mayor Camelita “Menchie” Abalos today! Woot woot! Cheerssss!!!!!” saad ni Gretchen.

Matatandaang noong Marso nang i-announce ng dalawa sa madlang pipol na engaged ba sila.

Nabiyayaan ng dalawang anak sina Aubrey at Troy na sina Hunter at Rocket samantala, nagkaroon naman ng anak ang aktres na si Maurie sa previous relationship nito.

Related Chika:
Aubrey Miles halos mag-hello ang boobs sa pasabog na topless photo habang nasa bathtub

Troy nag-propose na kay Aubrey sa Bora: Together 18 years, engaged 8 hours…here’s to forever with you

Aubrey, Troy 18 years nang magdyowa; nagbigay ng tips para tumibay ang relasyon

Troy ayaw nang buntisin si Aubrey, OK na sa 3 anak: We’re happy na with everything now

Read more...