Jennylyn Mercado balik ehersisyo matapos manganak: Postpartum fitness isn’t easy

Jennylyn Mercado balik ehersisyo matapos manganak: Postpartum fitness isn't easy

NAGBABALIK sa pgwo-workout ang aktres na si Jennylyn Mercado matapos ang kanyang naging panganganak noong April 25.

Mahigit isang buwan na mula nang manganak ang asawa ni Dennis Trillo ay agad na itong sumalang sa pilates upang maibalik ang kanyang physical strength.

Sa kanyang Instagram account ay nagbahagi siya ng mga larawan niya habang abala sa pagbabalik alindog.

“Postpartum fitness isn’t easy but we’ll make it through,” saad ni Jennylyn sa caption.

Marami naman sa mga kasama nito sa industriya ang nagbigay ng comments sa post ng aktres at nagpakita sa aktres gaya nina Yasmien Kurdi at Lovely Abellana.

Maging ang mga netizens ay super cheer kay Jennylyn.

“You are a woman of discipline so no doubt you can make it. Can’t wait to finally meet Baby D,” saad ng isang netizen.

Samantala may ilan naman na curious kung safe na nga ba ang ginagawa ni Jennylyn lalo na at naka-cesarean siya nang ipanganak si Baby D.

Anyways, marami na rin ang excited at hindi makapaghintay na masilayan ang anak nila ng kanyang asawang si baby D.

Panigurado na agad itong mamahalin at tatanggapin ng madlang pipol lalo na’t aware ang halos lahat sa naging journey ni Jennylyn para lamang mabiyayaan ng anak na babae.

 

Related Chika:
Jennylyn Mercado biglang napaanak, magpapa-check up lang sana

Dennis Trillo bumilib kay Jennylyn Mercado: Kaya mo lahat!

‘Start-Up’ nina Alden at Bea lelebel sa ‘Descendants of the Sun’ nina Dingdong at Jennylyn

Jennylyn, Dennis lumipat muna sa condo: Halos lahat ng tao sa bahay namin ay nag-positive sa COVID

Read more...