Herlene sa burol ng lola: Pakiusap lang po sa bibisita na hindi muna ako magpapa-picture, pero puwede po kayong makiramay | Bandera

Herlene sa burol ng lola: Pakiusap lang po sa bibisita na hindi muna ako magpapa-picture, pero puwede po kayong makiramay

Ervin Santiago |June 09,2022
facebook
share this

Herlene sa burol ng lola: Pakiusap lang po sa bibisita na hindi muna ako magpapa-picture, pero puwede po kayong makiramay

Ervin Santiago - June 09, 2022 - 07:36 AM

Herlene Budol, Tatay Oreng at Nanay Bireng

NANAWAGAN ang komedyanang si Herlene Nicole Budol o mas kilala sa tawag na Hipon Girl sa lahat ng mga pumupunta sa burol ng kanyang lola.

Ang pakiusap ng Kapuso TV host at aktres sa kanyang mga kaibigan at supporters na huwag na munang magpa-picture sa kanya sa lamay ni Nanay Bireng.

Ayon kay Herlene, ibalato na lang daw muna sa kanya ang pagluluksa at pagdadalamhati sa pagpanaw ng pinakamamahal niyang lola kasama ang kanyang pamilya.

Sa Facebook idinaan ng komedyana ang pakiusap sa mga fans, kabilang na ang nga Hiponatics na wala ring sawang sumusuporta at nagmamahal sa kanya.

“Para makasama niya kayo sa kanyang huling hantungan. Pakiusap lang po sa mga bibisita na hindi muna ako magpapa-picture, pero puwede po kayong makiramay kasama ako,” ang bahagi ng FB status ng dalaga.

Aniya pa, “Gusto kong ibahagi ko sa lola ko ang pagmamahal ng aking taga-suporta.

“Hindi man niya masasaksihan ang laban ko sa Bb. Pilipinas, masaya na kaming dalawa nan nadyan kayo sa tabi ko.

“Dahil mahal ko kayo, kayong mga tagasuporta sa akin ang aking pamilya,” dagdag ni Herlene.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)


Patuloy pa niyang mensahe sa lahat ng dadalaw sa labi ng kanyang lola, “Bukas sa lahat (open for all) ng gustong makiramay ang burol ni Nanay Bireng mula Martes hanggang Huwebes (Hunyo 7-9) ng 11:30 p.m. sa Sympathy Memorial Park and Columbarium sa Quezon Avenue, Brgy. San Isidro, Angono, Rizal.

“Sa Biyernes na huling lamay ni Nanay Bireng, hiling ko lamang para lang po sa aking pamilya at mga malalapit na kaibigan lang po,” paalala pa ng Kapuso star.

Nauna rito, naglabas muli ng saloobin si Herlene tungkol sa pagpanaw ng kanyang lola,
Sa kanyang Facebook account, “Ang bigat bigat sa dibdib…

“Dati, pag may natira ako sa kinita ko sa taping. agad agad ako bibili ng pasalubong kila Tatay Oreng ko at Nanay bireng kht tsinelas, duster o kht anong simpleng pasalubong makita ko lang yung gandang ngiti nila at may bonus pa akong masarap na akap galing sa kanila.

“Tapos yung mag tiktok kami at tuturuan ko pa sila sumayaw at sabayan lang ako mag tiktok. Ang babaw lang ng kaligayahan ko mga KaSquammy ko parang bata lang sa Hipon girl nyo…

“Yung mapasaya ko sila ay sobrang priceless na po para sa akin. dahil kulang pa yung pag aaruga nila sa akin sa dalawampu’t dalawa taon sa akin,” mensahe ni Herlene.

“Ngayon, napakabigat sa dibdib ko dahil eto na yung huling damit na ibibili ko para kay Nanay. indi ko na cya makasama sa tiktok at kulitan. ang sakit sakit mawalan ng taong mahal mo sa buhay,” sabi pa ng isa sa mga kandidata ng Binibining Pilipinas 2022.

https://bandera.inquirer.net/309320/basher-walang-awang-nilait-at-minaliit-si-herlene-budol-maganda-ka-sana-kaya-lang-bobita-ka

https://bandera.inquirer.net/296601/herlene-budol-bawal-pang-makipag-kissing-scene-hindi-pa-ako-masyadong-marunong-mag-toothbrush

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/307485/kris-aquino-may-request-sa-mga-taga-suporta-can-you-use-yellow-hearts

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending