Angelika dela Cruz nakatanggap ng 4 na bala ng baril at death threat: Napakadumi po talaga ng politika sa ating bansa | Bandera

Angelika dela Cruz nakatanggap ng 4 na bala ng baril at death threat: Napakadumi po talaga ng politika sa ating bansa

Reggee Bonoan |June 07,2022
facebook
share this

Angelika dela Cruz nakatanggap ng 4 na bala ng baril at death threat: Napakadumi po talaga ng politika sa ating bansa

Reggee Bonoan - June 07, 2022 - 02:05 PM

Angelika dela Cruz nakatanggap ng 4 na bala ng baril at death threat

Angelika dela Cruz

MATAGAL na naming nababasa ang mga post ng aktres at barangay chairwoman ng Longos, Malabon City na si Angelika dela Cruz tungkol sa ginagawang paninira sa kanya.

Actually, panahon pa ito ng kasagsagan ng pandemya, noong 2020, na kesyo hindi tama ang mga inaabutan ng ayuda sa kanilang lugar, iba-iba ang ipinamimigay ng relief assistance at hindi rin daw nakakarating sa ibang tagaroon.

Nakikita namin ang mga post ng aktres at politiko na lahat ng ginagawa niya sa nasasakupan niyang barangay kasama ang kanyang mga kagawad at tanod ay dokumentado kaya may report.

Tulad ng mga ayuda na ipinamamahagi nila ay nakalatag sa covered court at maraming taong nakapila. Nagbabahay-bahay sila, naglilinis ng mga kalye, kanal, imburnal at iba pa.

Hindi rin nagpabaya sa pamamahagi ng bakuna mula sa matanda hanggang bata at lahat ito ay nakikita sa social media account ng aktres.

Dalagita palang si Angelika ay kilala na namin siya at tawag namin ay Shine o Sunny at diretso siyang tao na kung ano at gusto ay sinasabi niya, namana niya ito sa yumaong amang si Tito Ernie dela Cruz na nagsilbi rin sa barangay Longos at takbuhan ng mga nangangailangan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelika Dela Cruz 💜 (@angelikadelacruz)


Kaya nang mawala ang ama at kapatid nitong si Edward dela Cruz ay ipinagpatuloy ng aktres ang pagsisilbi sa mga nasasakupan nila sa Longos.

Pero sa kabila nito ay marami pa rin ang naninira sa kanya at nang magkaroon ng imbestigasyon ay nalamang may nag-uutos pala at may koneksyon nga sa politika.

Sa darating na Disyembre, 2022 ay barangay elections na naman kaya pala nagsisimula na uling siraan ang kapitana ng Longos.

Sabi naman ng aktres, ang tao na ang mamimili kung sino ang iboboto nila kaya maghintay na lang daw ang mga kakandidato rin sa pagkakapitan.

Anyway, nag-post ngayong araw ang aktres sa kanyang Facebook page ng apat na bala at may sulat pa ng pagbabanta.

Ang caption niya rito ay, “Napaka dumi po tlg ng politika sa ating bansa .. yan po ang sulat at bala na pinadala sa XO ng aming Barangay na nagsasabi na may 4 daw na susunod at kaya may umiikot na d kilala sa bahay naming magkapatid.. grabe naman kayo kung sino man kayo na gumagawa nito sa amin.”

Pinaalalahanan naman ng mga netizens ang aktres na doblehin ang pag-iingat pati na ng kanyang buong pamilya dahil nga sa pananakot na ito.

https://bandera.inquirer.net/311425/ang-probinsyano-posible-nga-bang-magtapos-ngayong-taon

https://bandera.inquirer.net/297157/jake-personal-na-binisita-ang-delivery-rider-na-tinamaan-ng-ligaw-na-bala-nandito-lang-ako-para-sa-yo-ely

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/314108/cara-gonzales-sa-love-scenes-nila-ni-zanjoe-naglinis-kami-ng-katawan-nag-usap-kami-kung-ano-ang-mga-bawal-hawakan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending