AI AI dalang-dala na, ayaw nang magkadyowa ng bagets | Bandera

AI AI dalang-dala na, ayaw nang magkadyowa ng bagets

Jobert Sucaldito - September 23, 2013 - 03:00 AM

FOR the first time ay kasama sa presscon sa ABS-CBN grounds ang Primetime Queen ng GMA 7 na si Ms. Marian Rivera dahil sila ni Comedy Concert at Box-office Queen Ai Ai delas Alas ang magbibida sa forthcoming film na “Kung Fu Divas” directed by our dear friend Onat Diaz.

Lima silang producers ng pelikulang ito – ang kompanya ni Direk Onat, ang Reality Entertainment, A Ai, Marian at ang Star Cinema kaya in full force ang buong grupo nila to make this movie a success.

Kasama rin sa film sina Ms. Gloria Diaz, Bianca Manalo, Roderick Paulate, Edward Mendez and Ms. Nova Villa. Riot ang pelikulang ito, sa trailer pa lang ay nakakatawa na ang mga eksena nina Ai Ai at Marian, lalo na ‘yung showdown nila sa isang beauty contest.

“Akala nga ng mga tao ay action film ito dahil sa title, hindi po. Totoong nag-kung fu kami rito pero mas marami siyempre ‘yung katatawanan. May mga aral din silang makukuha sa movie, yung tungkol sa buhay, may mga moments kami rito na very dramatic, merong katatawanan and all.

“Pero sa kung fu side, grabe rin ang ginawa namin ni Ate Ai Ai, talagang nagpa-train kami sa mga Chinese trainors namin. Mahirap pero enjoy,” ani Marian na sobra ang saya nang humarap sa members of the press.

“Nakakaloka ang mga Chinese instructors namin. Mahirap lang with them, hindi kasi sila marunong mag-English. Habang tinuturuan kami, halimbawa ay hindi namin makuha ang tinuturo nilang action scene, magtsa-Chinese sila, atsutsutsu, ganu’n-ganu’n, nakakaloka ang Chinese! Diyos ko, tumatango na lang kami dahil hindi namin sila maintindihan.

Ha-hahaha!  At itsinismis din ni Ai Ai na daks daw itong si Edward Mendez. Siya raw ang POV (point of view) nila ni Marian minsan at sentro ng bulungan dahil bakat na bakat daw sa Chinese kung fu costume ni Edward ang malaking bukol nito.

Habang nagkukuwento si Ai Ai, hinahampas pa siya ni Marian dahil nahihiya siya dahil nga meron na siyang Dingdong Dantes, di ba? Baka ma-misinterpret daw ng iba na interesado pa siya sa ibang lalaki aside from Dingdong.

“Nakaka-distract kasi ang pagka-Dakota, Harrison ni Edward. Guwapo pa naman at ganda ng katawan,” dagdag pa ni Ai Ai na sinang-ayunan naman ni Tita Nova Villa.

Tawanan talaga ang mga writers. Habang kinukuwento ni Ai Ai iyon, pulang-pula ang mukha ni Edward na balita nami’y napakaraming topless exposures sa movie,- perfect daw ang 6-pack abs nito at lalaking-lalaki.

Hay…Mapapanood na ang “Kung Fu Divas sa Oct. 2 nationwide. Ang saya-saya! Samantala, nagbiro naman si Ai Ai na ayaw na niyang magkadyowa ng bata nang tuksuhin sila ni Edward Mendez.

Dahil nga paulit-ulit siya sa pagsasabing malaki ang “ari-arian” ng hunk actor, baka raw na-miss niya ang magkadyowa ng dakila. Natawa lang ang komedyana sabay sabing iiwas muna siya sa mga bagets!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Inggit na inggit din daw siya kay Marian dahil nakatagpo ito ng dyowang tulad ni Dingdong Dantes.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending