Maymay Entrata balik Pilipinas na matapos mag-aral sa Canada: It’s good to be back!

Maymay Entrata balik Pilipinas na matapos mag-aral sa Canada: It's good to be back!

NAGBABALIK bansa na ang Kapamilya star na si Maymay Entrata matapos itong manatili sa Canada.

Sa kanyang Instagram ay ibinahagi niya ang kanyang larawan habang suot-suot ang na kuha sa hallway ng main building ng ABS-CBN.

“It’s good to be back mga kapamilya,” saad niya.

Umani naman ng samu’t saring comment ang naturang post ng dating PBB Lucky Season 7 Big Winner mula sa mga netizens at mga kapwa artista na talaga namang labis ang saya sa kanyang pagbabalik.

Welcome back gwapa,” saad ni Chie Filomeno.

Sey naman ni Loisa Andalio, “Namiss kita!!!!! So happy to see you dzaaaiii! Grabe pagaling ka oy welcome back!!!”

“@mimiyuuuh tara na!!” hirit naman ni Alyssa Valdez na kapwa kaibigan sina Maymay at vlogger and social media influencer na si Mimiyuuuh.

Nagdesisyong lumipad pa-Canada ang Kapamilya star para ipagpatuloy ang kanyang matagal nang pangarap na makapag-aral sa ibang bansa.

Habang nasa Canada ay nagkaroon rin ito ng pagkakataon na makasama ang kanyang non-showbiz dyowa na nakilala bilang si Aaron Haskell.

Matatandaang ginulat ni Maymay ang madlang pipol nang aminin niya na “in a relationship” na siya nang batiin ang dyowa noong araw ng mga puso noong Pebrero.

 

 

Samantala, present si Maymay sa nagdaang “Pinoy Big Brother Kumunity” big night kung saan tinanghal na big winner ang celebrity housemate na si Anji Salvacion.

Related Chika:
Maymay: Kahit ano’ng gawin mo na maging mabait at perpekto lagi silang may masasabing mali

Maymay may pa-dyowa reveal sa mismong Valentine’s Day: Happy birthday my Valentino!

Maymay sinagot na ang tanong kung si Donny nga ba ang ‘mystery boyfriend’

Maymay hindi payag na magpakita ng motibo sa taong gusto n’ya: Ayaw kong manligaw kahit hindi ako kagandahan, bahala kayo d’yan

Read more...