Presidential appointee hindi pa handang iwan ang pwesto | Bandera

Presidential appointee hindi pa handang iwan ang pwesto

Den Macaranas |
Wacky Leaks -
June 04, 2022 - 10:17 AM

Presidential appointee hindi pa handang iwan ang pwesto 1

Parang asong naghahanap ng bagong amo ang isang government official ngayong patapos na ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Eh bakit nga naman hindi, bukod sa wala namang ipinakitang magandang outcome sa kanyang kasalukuyang pwesto ay nuknukan pa ng gatos ang opisyal na ito.

Sinabi ng aking cricket na gusto ni Mr. Government Official na manatili sa pwesto niya para tuloy ang pabibigay ng proteksyon sa ilang pinapanigang kaibigan.

Pati daw ang pagkuha ng business permit, lisensya sa baril ay pinapasok na rin ng opisyal na ito kapalit syempre pa ng pabor sa ilang maimpluwensiyang negosyante at minsan ay mga pulitiko.

Dati ko na ring narinig ang isang secret voice recording ng mamang ito na nagwawala dahil hindi niya nakuha ang pamumumo noon sa PCSO.

Ang gusto niya dati ay maging chairman ng nasabing tanggapan at hindi daw niya tatanggapin ang naunang inialok sa kanya na pwesto bilang board member.

Bilang pakunswelo-de-bobo ay ginawa siyang pinuno noon ng isang makapangyarihang ahensya pero hindi rin siya nagtagal dahil puro porma lang ang ginawa niya doon at sa totoo lang ay hindi kaya ng hambog niyang utak ang trabahong iniatang sa kanyang balikat.

At ngayong matatapos na ang termino ng outgoing administration ay panay na ang “baka naman” ng opisyal na ito.

Ang opisyal na tinutukoy natin na pwede ring kontrabida sa pelikula dahil sa kanyang mala-halimaw na pangangatawan ay si Mr. M….as in Macho Papa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending