Kylie Padilla umamin na: Yes, I'm dating, pero malayo pa yung idea ng pagpapakasal uli...wag na muna Bandera

Kylie Padilla umamin na: Yes, I’m dating, pero malayo pa yung idea ng pagpapakasal uli…wag na muna

Ervin Santiago |May 29,2022
share this

Kylie Padilla umamin na: Yes, I’m dating, pero malayo pa yung idea ng pagpapakasal uli…wag na muna

Ervin Santiago May 29, 2022 - 04:51 PM

Kylie Padilla at Aljur Abrenica

DIRETSAHANG inamin ng Kapuso actresz at “Bolera” lead star na si Kylie Padilla na may bago nang lalaki sa kanyang buhay.

Ayon sa estranged wife ni Aljur Abrenica, totoong nakikipag-date na siya ngayon at wala naman das siyang nakikitang masama kung sakaling magkaroon uli siya ng lovelife.

Sa panayam ng “Updated with Nelson Canlas” kay Kylie natanong siya kung kumusta na ang kanyang puso at buhay-pag-ibig.

Sagot ng Kapuso star at celebrity mom, “Yes, I am dating.” Pero tumanggi muna siyang magbigay ng ibang detalye about the guy, “Ayoko pa talagang sabihin ‘to.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by kylie 🌙 (@kylienicolepadilla)


Nali-link naman ngayon ang nakahiwalay na asawa ni Kylie na si Aljur kay Vivamax star AJ Raval pero hanggang ngayon ay hindi pa lantarang umaamin ang rumored couple.

Ang palaging sinasabi ni AJ ay nasa getting-to-know-each-other status pa lang sila ni Aljur pero totoong super close na sila. Hindi rin daw nila itatago sa publiko kung sakali mang maging sila.

Sa isa niyang social media post, nag-react si Kylie sa relasyon umano nina Aljur at AJ, “Guys there is no issue. We separated April pa and we have already mutually agreed to date other people.

“Please stop dragging other parties into this. I have no intention of disclosing anymore of what happened because I want to cherish the littlest ounce of privacy I have left,” aniya pa.

Samantala, nabanggit naman ni Kylie na very open siya sa pagkakaroon ng blended family with Aljur and their children. Wala raw issue sa kanya ang pagkakaroon din ng aktor ng bagong pamilya.

“I’m very welcoming up with open arms, kasi kung pure naman ‘yong love sa amin, everybody and his side din, bakit hindi ‘yon naman importante for taking care of each, loving each other and accept each other.

“Why not? Bakit pa tayo magdya-judge,” pahayag pa ni Kylie.

Pero mariin niyang sinabi na walang-wala pa sa isip at puso niya ang magpakasal uli, “Malayo pa ‘yun.’Wag na muna, i-eenjoy ko pa.”

Matatandaang ikinasal sina Kylie at Aljur noong 2018 at biniyayaan ng dalawang anak, sina Axl and Alas Abrenica.

Kylie Padilla inatake ng matinding ‘sepanx’ matapos magpaalam sa lock-in taping ng "Bolera’: I was heartbroken…

Kylie, Jaclyn, Jak, Gardo kanya-kanyang kuwento tungkol sa pambobola, pero si Tsong Joey may swabeng hirit

Jaclyn Jose puring-puri si Kylie Padilla: She’s not suplada, sobrang ang sarap niyang maging anak

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending