Daniel nag-iipon pa para sa bonggang kasal nila ni Kathryn; may 3 hanggang 5 taon pa para maghanda Bandera

Daniel nag-iipon pa para sa bonggang kasal nila ni Kathryn; may 3 hanggang 5 taon pa para maghanda

Ervin Santiago |May 29,2022
share this

Daniel nag-iipon pa para sa bonggang kasal nila ni Kathryn; may 3 hanggang 5 taon pa para maghanda

Ervin Santiago May 29, 2022 - 03:41 PM

Kathrym Bernardo at Daniel Padilla

PINAG-IIPUNAN pa ng Kapamilya singer-actor na si Daniel Padilla ang pagpapakasal kay Kathryn Bernardo at pagbuo ng sarili nilang pamilya.

Ayon kay DJ, tatlo hanggang limang taon pa ang ibinibigay nilang panahon ni Kath sa isa’t isa bago sila magplanong lumagay na tahimik.

Ibig sabihin, baka sa 2025 pa magpakasal sina Daniel at Kathryn. Ngayong 2022, ipinagdiriwang na ng celebrity couple ang kanilang 10th anniversary (May 25) bilang magkarelasyon.

Sa isang panayam kay Daniel sa ginanap na Star Magic 30 All-Star Games na ginanap sa Smart Araneta Coliseum last week (May 22), nabanggit nga ng aktor na kailangang paghandaan niya nang bonggang-bongga ang kasal nila ni Kathryn.

“Siyempre I’m 27 years old, after three, four, five years, what’s the next move? What’s the plan?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)


“We have to go on with life, so ano ang kasunod nu’n? Abangan na lang natin. Mag-iipon lang tayo nang kaunti siyempre, ang dami pa nating gagawin,” pahayag ng panganay na anak ni Karla Estrada.

Sa Thailand nag-celebrate ng kanilang 10th anniversary as a couple sina Daniel at Kathryn. Nagbahagi ang aktres ng ilang litrato nila sa ilang tourist attractions doon.

“Celebrated our special day in the most unforgettable way possible and enjoyed every minute of it.

“You know how much this trip means to me and how much I looove elephants, so without a question, you agreed to do this again with me right away. All you said to me was ‘kahit san mo gusto love, susunod ako after ng trabaho ko.’

“Thank you for making time for this trip, my love! Thank you for always making sure I feel loved and appreciated.

“Looking back on our 10-year journey together, I find myself smiling with so much pride. Because we did it… We did it, love! True love exists. Someone like you still do exist.

“I love you so much. Happy 10th anniversary to my person!” ang caption ni Kathryn sa kanyang IG post.

Nauna rito, ibinandera naman ni Daniel ang ilan sa mga sikreto ng solid na solid pa ring relasyon nila ni Kath na tumatagal na nga ng isang dekada.

“Communication, compromise, respeto sa isa’t isa. Yun ang hindi puwede mawala. And loyalty sa isa’t isa. Hindi na sikreto yun. Pero yun lang yung sa amin,” sabi ng binata.

Kathryn, Daniel ibinandera ang isang dekadang relasyon, aamin na ba kung anong sikreto?

Daniel, Kathryn may hugot sa lock-in taping: Kapag paulit-ulit na ‘yung ginagawa mo, parang nakakapagod din…

Vice dedma sa mga nangnenega sa wedding nila ni Ion; next project…sariling baby naman?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending