Anne Curtis kinabahan sa ‘It’s Showtime’ comeback, umulit sa prod number

Anne Curtis kinabahan 'It's Showtime' comeback, umulit sa prod number

ISANG bonggang production number ang handog sa madlang pipol ng nagbabalik na si Anne Curtis sa programa nitong “It’s Showtime”.

Mula sa compilation ng mga nakakatawang moments ng nag-iisang dyosa sa mga nakalipas na taon hanggang sa isang song number ng “Sun and Moon” nna pinangunahan nina Ogie Alcasid, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ryan Bang at Ion Perez.

May pa-dance number naman sina Vhong Navarro at Kim Chiu habang umaawit sina Karylle, Amy Perez, at Jackie Gonzaga ng “My Universe” ng BTS at Coldplay.

Samantala, si Vice Ganda naman ang nagpakilala kay Anne na nagbabalik na sa stage ng “Showtime”.

Halata ang nerbyos ng ina ni Dahlia dahil inulit nito ang kanyang song number na “Breakfree” ni Ariana Grande.

Mangiyak-ngiyak naman si Anne sa kanyang pagbabalik habang sinasalubong siya ng maiinit na pagbati mula sa kanyang mga kapatid.

“Grabe na-miss ko kayong lahat. It’s a new experience. I’m just so happy to be here again, guys. It’s been so long,” saad ni Anne.

Agad naman siyang humingi ng tawad sa madlang pipol dahil sa kanyang paghingi ng 2nd chance sa kanyang prod number.

“I’m still rusty. Rusty ako ngayon, ’yung performance ko ngayon. Parang it will take a while again to get back into the groove. Kaya pagpasensyahan n’yo na po madlang pipol,” pagpapaliwanag ni Anne.

Napag-usapan rin nila na sa mga panahong nawala ang sisterette ni Vice sa programa pero looking forward ang lahat na magbalik paunti-unti ang lahat sa dati.

Banat pa ni Vhong, “Na-miss ko ’yung pagiging makulit, ’yung pagiging sosyal niya. Na-miss namin ’yung ganda at seksi ni Anne.”

Matatandaang 2019 pa nang huli siyang mapanood sa “It’s Showtime” bago ang kanyang maternity leave.

Marso 2020 naman nang ipanganak niya ang panganay nila ni Erwan na si Dahlia sa Australia ngunit hindi sila agad nakabalik sa Pilipinas dahil sa nangyaring COVID-19 pandemic.

Bukod sa pagbabalik sa “It’s Showtime” ay magkakaroon ng live concert si Anne ngayong June na pinamagatang “Luv-Anne”.

Related Chika:
Anne Curtis magbabalik na sa ‘It’s Showtime: See you madlang people!

Anne Curtis muling nakipagkulitan sa ‘It’s Showtime’ family, balik noontime show na kaya?

Anne Curtis magbabalik na sa ‘It’s Showtime’: AbangANNE!

Read more...