Piolo Pascual napa-react sa porma noong nagsisimula pa lang sa showbiz: Hiyang hiya ako n'yan! | Bandera

Piolo Pascual napa-react sa porma noong nagsisimula pa lang sa showbiz: Hiyang hiya ako n’yan!

Reggee Bonoan |May 27,2022
facebook
share this

Piolo Pascual napa-react sa porma noong nagsisimula pa lang sa showbiz: Hiyang hiya ako n’yan!

Reggee Bonoan - May 27, 2022 - 11:12 PM

Piolo Pascual napa-react sa porma noong nagsisimula pa lang sa showbiz: Hiyang hiya ako n'yan!

TAWANG-TAWA si Piolo Pascual sa sarili nang balikan niya ang mga steps ng sayaw niya at fashion style niya noong nagsisimula palang siya sa showbiz.

Base sa nakapost 3 minute video sa kanyang Facebook page na may titulong, “Reacting to my Younger Self” na kasamang nanood ang kaibigan.

Pinanood ng magkaibigan sa Ipad ang production number ni Papa P na sumasayaw-sayaw kasama ang female artist na hindi binanggit kung sino.

“Nakita mo ba ‘yung pants and shirt ko, ‘yan ang porma nu’ng 90’s ‘tol,”saad ng aktor.

Grabe ang tawa ng aktor na may kasamang padyak pa, “wahahahahaha, kadiri!”

Ginaya naman ng kaibigan niya ang steps ni Piolo at tawang-tawa ulit ang aktor.

“Huwag na huwag mo nang uulitin,”sabi ng kaibigan nito.

Dagdag pa ng friend ni Piolo, “Hi guys nandito tayo, titingnan natin tong mga pictures kung anu-ano ang pinaggagawa mo dati.”

Ang sumunod na ipinakita ay larawan ng aktor nan aka-topless at kulay gold ang buhok.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Piolo Jose Pascual (@piolo_pascual)

 

Bumunghalit na naman ng tawa ang magkaibigan at sabay sabi ng tatay ni Inigo Pascual, “ang lakas maka-Korean ‘yung ‘ahhhh’ ang daming mga graphics dito ha, ha, haha. Bushy ‘tol ha, ha, ha.”

Ang binanggit na bushy ay ang kili-kili ng aktor na mabuhok.

Say naman ng kaibigan, “hindi pa uso ang Gillette.”

Sumunod na larawan ay naka-trunks si Papa P na bagong ahon sa pool.

Aniya, “alam mo ba kung saan ‘yan, Lagarista, 1999.”

Ang pelikulang “Lagarista” ang unang pagbibida as leading man ni Papa P kay Jana Victoria na idinirek ni Mel Chionglo under Solar Pictures.

Sumunod ang pictorial naka topless siya at nakaupo na may takip na tuwalya.

“Till there was You, si Judy Ann Santos (kasama niya). Hiyang-hiya ako niyan ‘tol. Siyempre nagsisimula palang akong magbuhat (mag gym) n’yan. Hirap na hirap nga akong mag-flex. Kinabag nga ako diyan,” paglalarawan ni Piolo.

Isa pang larawan ulit ang ipinakita na kuha rin sa pelikulang “Til There was You”.

Napansin ng kaibigan ng aktor na bakit lahat ng photo shoots niya ay topless siya kaya tinanong siya at sabay sabing, “padadalhan kita.”

“Yung kasing direktor ko diyan, si Joyce Bernal may gusto sa akin, so akala niya sa akin ulam. ‘Tol kasama sa kontrata ko ‘yun (topless),”pambubuking ng aktor sa paborito niyang direktor.

Sinundan ng long hair siya at kagat-kagat nito ang kuwintas.

“Nakaluwag-luwag, humaba ‘yung buhok siyempre wala pa ring damit, di ba?

Sumunod ang tumatakbo siya sa dilim nan aka-sando lang para sa isang TV ad.

“Ang daming ano full circle diyan sa Jones Bridge na ‘yan,” saad nito.

Nabanggit ng kaibigan na may mga susunod pa silang ipapakita na ayon naman kay Papa P ay pinagpawisan siya habang hinihimas ang alagang aso na sabi niya, “asong biik.”

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 252 shares ang video, almost 10k likes at 453 comments na tawang-tawa rin sa aktor.

Related Chika:
Heart Evangelista na-link nga ba kina John Lloyd Cruz at John Estrada?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Zoren Legaspi inamin na may ‘third party’ sa relasyon nila ni Carmina Villarroel

Piolo ibinandera ang sikreto sa batang-bata pa ring itsura; adik na adik sa pinakurat

Piolo Pascual hot na hot pa rin kahit 45 na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending