‘Isang paglilinaw tungkol kay JOHN ‘SWEET’ LAPUS…..’
IT’S been more than two years na since sinampahan ako ng komedyanteng si John Lapus ng libel case dahil sa column na sinulat ko noong February 19, 2011, base sa sumbong sa akin ng isang nagngangalang Kiko Bueno.
Tungkol ito sa isang insidente sa The Library after nilang mag-Valentine show. Mula sa bibig ni Kiko at ng witness nitong si Paul Medina ang mga isinulat ko sa column ko rito sa Bandera.
I regret na nasaktan ko ang damdamin ni John Lapus sa column ko na ito. Bilang kolumnista, I just did my job na isulat ang isyu dahil isang celebrity si Lapus – a public figure.
I don’t take that basic right of John Lapus na ma-offend – it’s his right to file a case against anyone in court if he thinks his rights were violated for whatever reason.
Karapatan niyang depensahan ang kanyang sarili kung sa tingin niya the written account was not true. Imagine, kung anu-ano ang sinabi sa akin ng Kiko na iyon pero nang makausap naman ito ng lawyer namin, sinabi niyang hindi naman daw talaga ganu’n ang nangyari at hindi na niya mapanindigan ang mga sumbong niya sa akin.
Kaya pala sa affidavit na sinabmit nila sa piskalya ay hindi categorical ang mga deklarasyon nila.Very conflicting sa sinabi niya sa akin. Kaya doon pa lang ay malinaw nang nagsisinungaling ang aking sources.
It offended me, yes, to find out that the story they gave me were fabricated. Kungsabagay, this is not new anymore in any business – may mga lies, half-truths at merong fiction. Ayon tuloy, kami ang naglalaban ni John Lapus sa korte.
Anyway, one day our paths will cross – me and John – at sana’y nalimutan na namin ang mga bagay-bagay na ito – ang mga sigalot na nangyari sa amin.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.