Kapuso stars na napili sa 'Running Man PH' ibabandera na bukas sa '24 Oras'; 2 buwan magsu-shooting sa Korea | Bandera

Kapuso stars na napili sa ‘Running Man PH’ ibabandera na bukas sa ’24 Oras’; 2 buwan magsu-shooting sa Korea

Ervin Santiago - May 26, 2022 - 10:58 PM

Mahulaan n’yo kaya kung sinu-sino ang maglalaban-laban sa Running Man Philippines?

BUKAS na ng gabi, Biyernes, ang grand reveal kung sinu-sino ang mga Kapuso stars na makaka-join sa “Running Man Philippines”.

Ito ang Pinoy version ng hit reality show ng South Korea na bentang-benta rin sa mga Filipino viewers lalo na yung mga adik na adik sa iba’t ibang Korean shows.

At ngayong Biyernes, May 27, ibabandera na ng production kung sinu-sino ang mga masusuwerteng napili sa programa sa news program ng GMA 7 na “24 Oras”.

Kanya-kanya nang hula ang mga Kapuso viewers sa mga “Running Man Philippines” contestants, may mga nagbanggit sa mga pangalan nina Kokoy de Santos, Ruru Madrid, Buboy Villar at Lexi Gonzales.

Meron namang nagsabing pasok din sa “RMP” sina Benjamin Alves, Jeric Gonzales, Mikee Quintos, Paul Salas at David Licauco.

May nagsabi naman sa amin na ang magiging hosts ng show ay sina Mikael Daez at Glaiza de Castro.
Ayon pa sa nasagap naming chika, kung wala nang magiging problema, sa huling linggo ng June daw naka-schedule ang patungo ng South Korea para sa kanilang lock-in taping na tatagal ng dalawang buwan.

Dalawang taon na ang nakaraan nang i-announce ng GMA 7 sa pamamagitan ng Instagram na mapapanood na rin sa Philippine TV.

“GMA sets another milestone as the most awaited and biggest reality game show in South Korea is set to premiere on Philippine TV this year 2022!” ang pahayag ng GMA.

Unang napanood ang “Running Man” noong 2010 sa South Korea at sa bagong season nito napapanood ang mga Korean stars na sina Yoo Jae-Suk, Jee Seok-Jin, Kim Jong-Kook, Haha, Song Ji-Hyo, Jeon So-min at Yang Se-Chan.

https://bandera.inquirer.net/288894/ai-ai-dumulog-sa-nbi-para-hantingin-ang-nagpakalat-ng-fake-news-na-patay-na-siya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/288894/ai-ai-dumulog-sa-nbi-para-hantingin-ang-nagpakalat-ng-fake-news-na-patay-na-siya
https://bandera.inquirer.net/305493/bakit-walang-plano-sina-maris-racal-at-rico-blanco-para-sa-valentines-day

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending