Sagot ni Susan Roces nang sabihang magpaligaw: Aanhin ko when love blooms, wala na akong ibu-bloom | Bandera

Sagot ni Susan Roces nang sabihang magpaligaw: Aanhin ko when love blooms, wala na akong ibu-bloom

Reggee Bonoan - May 26, 2022 - 07:14 PM
Sagot ni Susan Roces nang sabihang magpaligaw: Aanhin ko when love blooms, wala na akong ibu-bloom

SA huling gabi ng lamay ng Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces ay nagbalik-tanaw ang nag-iisang anak na si Sen. Grace Poe sa mga conversation nila ng nanay niya noong nabubuhay pa.

Una na noong una niyang pasukin ang politika taong 2013.

Aniya, “I’ve been agonizing over the past days how to give a tribute to a remarkable woman. It’s not easy. But then, I remember and I’m returning to that time when I was first running for senator.

“Iniisip namin, ano ang magandang mensahe in our commercial? Ginawang simple ng nanay ko. ‘Simple lang ‘yan, ‘bakit mo gustong maging senador?’ Oo nga naman, that’s what you convey to the public,” sabi ng senadora.

Sina Direk Carlitos Sigueon Reyna at asawang si Bibeth Orteza ang gagawa ng 30-second ad campaign ng senadora na nag-uusap sila ng nanay niyang si Ms Susan.

Ang script ay, “Susan will say, ‘Promise, ha?’ And I’m supposed to answer, ‘Promise po.’ So, take. Ginawa namin ‘yung commercial. Dinagdagan niya. Wala sa script. Sabi niya, ‘Pagbutihan mo.’ Perfect, ‘di ba? Iyan ang palagi niyang sinasabing banta sa akin — ‘Pagbutihan mo.’”

Naikuwento rin ni Sen. Grace nang mag-asawa ang magulang niya ay isinantabi ng nanay niya ang showbiz career nito para maging maybahay ng tatay niyang si Da King, Fernando Poe, Jr.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Grace Poe (@sengracepoe)

“Mula nang mag-asawa siya, ang naging prayoridad niya ay ang aking ama. Ang kanyang career ay isinantabi niya. Ang ginawa niya, inalagaan niya ang kanyang asawa,” kuwento pa niya.

“Si FPJ ay larger-than-life. Maraming tumitingala kay FPJ. Pero si FPJ ay FPJ dahil sa likod niya ay mayroong isang matapang at maalagang asawa na mahal siya. But she was always on the sidelines, and it was FPJ who reaped the recognition and the awards.

“Noong namatay si FPJ, doon nag-umpisang umusbong muli ang katauhan ng tunay na Jesusa Poe. Doon muli lumabas kung sino talaga siya. Jesusa Poe blossomed again in her career, in television.

“That was another outlet for her to be able to express herself, because she was really distraught when my father died,” kuwento ng unica hija nina FPJ at Susan.

At nang mamatay ang ama taong 2004 nang matalo siya sa Presidential election at si Gng. Gloria Macapagal Arroyo ang tinanghal na 14th Pressident of the Philippines.

At dito nagkaroon ng isyu noon si PGMA na may dayaang nangyari sa eleksyon na hindi pa rin nakakalimutan ng tao, ang “Hello Garci.”

“Nakita ng mga tao, si Susan Roces pala, hindi lang maganda, hindi lang magaling umarte, ang tapang pala niyan. Doon lumabas ‘yung mga salita na, ‘Hindi ko tinatanggap ang iyong sorry.’ ‘…Not once, but twice!’ ‘Ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw,’” pahayag ni Sen. Grace.

Bahagi pa ng eulogy ng mambabatas ay naalala niya ang mga payo na kapag nagkukuwento siya ng mga  problema niya ay isa lang ang isasagot ng ina.

“Anak, mga responsableng tao ang nangungunsumi (nakukunsumi). Anak, mahirap mawalan ng kaaway. Mas okay na may kaaway ka, para palagi mong binabantayan ang ginagawa mo, tinatapangan mo ang loob mo, at ginagawa mong mas mabuti ang sarili mo para tama ka at hindi sila.”

At dahil nag-iisa na nga sa buhay ay pinayuhang sana tumanggap ng manliligaw ang nanay niya.
Pero ang sagot ay, “Aanhin ko when love blooms, wala na akong ibu-bloom.”

Pati ang pagiging chubby ay hindi rin naging problema ni Ms. Susan dahil sinadya niya palang hindi magpapayat.

“All of this in my body, that’s my body guard. Walang titingin sa akin ‘pag ganito ang hitsura ko!” sabi pa ng senadora.

At natawa rin ang lahat ng nakikinig kay senadora nang ibahagi niya ang pahayag ng ina tungkol sa flirting.

“Lahat tayo, may tinatagong kalandian. Huwag lang tayong magpapahalata, at lalung-lalo nang huwag tayong mapapahuli,” dagdag pa niya.

Isa pang nabanggit ay ang pagiging malapit ng magulang niya sa masa, “Kaya malapit kami sa tao, lalo na ang tatay mo, dahil hindi namin kinalimutan kung paano maging mahirap.”

Pati sa pagtatrabaho, “Kung may gagawin ka, gawin mong maayos. Ang trabaho mo, tapusin mo.

“Magpakatotoo ka, huwag mong walain ang sarili mo. Huwag kang matakot ‘pag ikaw ay tama at naniniwala ka sa ginagawa mo. Mas madali kung kakampi mo ang katotohanan,” sabi niya.

At ang mahigpit na bilin ng nanay ni Sen. Grace sa kanya, “Ayokong magkaroon ng anak na bayani, dahil ang mga bayani ay mga bantayog na lang at mga estatwa. Hindi ko sila makakasama.”

Kasi nga naging bayani sa lahat si FPJ dahil sa kaliwa’t kanan nitong pagtulong sa tao at para mas lumawak ay kumandidato siyang presidente pero hindi pinalad at dinibdib niya ito kaya naulila sa ama ang mambabatas.

Marami pang kuwento si Sen. Grace na mapapanood sa kanyang Facebook Live.

Inihatid na sa huling hantungan niya si Ms. Susan Roces pasado 11:30  kaninang umaga sa Manila North Cemetery at itinabi ang kanyang labi sa puntod ng asawang si FPJ.

Maligayang paglalakbay Ms. Susan Roces mula sa BANDERA.

 

Related Chika:
Susan Roces kay Grace Poe: I’m already 80 years old, I’m ready… this time, I would think of me

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cardiopulmonary arrest ang ikinamatay ni Susan Roces, sey ni Grace Poe: At sa tingin ko talagang nangulila na siya sa tatay ko…

Susan Roces may mga paramdam na bago pumanaw; Grace Poe merong ‘pagsisisi’ sa pagkawala ng ina

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending