Ogie Diaz kay Alex Santos: Gusto kaya n’ya ang ginagawa n’ya?

Ogie Diaz kay Alex Santos: Gusto kaya n'ya ang ginagawa n'ya?

NAPA-REACT ang talent manager at showbiz columnist na si Ogie Diaz matapos mag-trending ang “Mata ng Agila” na isang newscast program ng NET25 dahil sa paraan ng kanilang pagbabalita.

Ipinagkumpara kasi ng naturang programa mga anak nina outgoing Vice President Leni Robredo at president-elect Bongbong Marcos.

Base sa naturang ulat ay tinawag nila na “celebrity wannabes” at “kulang sa pansin” ang magkakapatid na sina Aika, Tricia, at Jillian samantalang pinuri naman nila ang mga anak nina Bongbong at Liza Araneta dahil sa pagiging tahimik nito at pinalaki rin daw ito nang maayos. Hinangaan rin nila ang pinakitang asal nito kay retired Comelec Commissioner Rowena Guanzon na isa sa mga naging kritiko ng kanyang ama.

Naging sunod-sunod kasi ang post ng mga Robredo bilang pagse-celebrate ng graduation ni Jillian sa New York University.

Tweet ni Ogie noong May 24, “Yung naka-move ka na kung hindi man wagi si VP Leni, pero ang mga paid trolls, di maka-move on kay VP Leni. Ano bang tawag sa mga ganitong klaseng nilalang?”

Ilang oras lang ay ni-retweet nito ang video clip ng pagbabalita ng NET25.

“Nakakalungkot no? Pati sila, di maka-get over ke Leni. Ano pa kaya ang gusto nilang mangyari?” muling saad nito.

Kinagabihan ay nag-retweet ulit ito ng video ni Alex Santos na kasalukuyang parte ng “Mata ng Agila” at dating news anchor ng ABS-CBN.

“Gusto kaya ni broadcaster Alex Santos itong ginagawa niya o wala lang siyang choice?” sey ni Ogie Diaz.

Ang NET25 ay pag-aari ng Iglesia Ni Cristo na isa sa mga nag-endorso kay president-elect Bongbong Marcos at sa running mate nitong si Sara Duterte sa nagdaang halalan.

Sa ngayon ay wal pa ring inilalabas na statement ang pamunuan ng programang “Mata Sa Agila” o si Alex Santos o maging ang NET25 hinggil sa isyu.

 

Related Chika:
Ogie Diaz nag-react sa isyu nina Lolit at Bea: Sa edad niyang ‘yun, nai-scratch pa ‘yung pangalan niya

Piolo Pascual bibida bilang mayor sa ‘Niña Niño’; Show nina Ali at Pat-P aarangkada na

Ogie Diaz masayang makita si Kris Aquino: Palagi ko siyang ipinagdarasal

Read more...