NAGBIGAY pugay ang aktres na si Vivian Velez kay Pangulong Rodrigo Duterte sa anim na taon nitong serbisyo para sa bansang Pilipinas buhat nang umupo ito bilang pinuno ng bansa noong 2016.
At ngayon ngang magtatapos na ang termino nito at hahalili na ang presumptive president na si Bongbong Marcos ay hindi mapigilang magbaliktanaw ng aktres sa naging pamamalakad ng incumbent president.
“I’m a DDS but I am not blind to his shortcomings. I have chosen to be pragmatic about PRRD (President Rodrigo Roa Duterte) because there is no easy way to change the political and economic structure of this country without suffering the fates of Andres Bonifacio and Antonio Luna in their quest for true independence resulting in equality and equanimity for all Filipinos,” saad ni Vivian sa kanyang Facebook account.
Aniya, bagamat may mga pagkukulang ito dahil hindi raw madali ang baguhin ang bansa ay marami pa rin itong nagawa para sa Pinas.
“PRRD was constricted and hampered by the Cory Constitution in the name of checks and balances. But PRRD performed and done a lot of achievements despite the reason why he is still popular and people are not uneasy. I think the struggle will be in the coming administration when PRRD steps down. PRRD showed us that change is attainable, it will be up to us to finish it,” dagdag pa ni Vivian.
Hindi naman na inisa-isa pa ng aktres kung ano ang mga sinasabi nitong achievements ng kasalukuyang pangulo ngunit labis niyang pinasasalamatan ito dahil sa kanyang naging serbisyo.
“Thank you for all that you did and tried to do. Thank you for being our president. Thank you for your service. President Rodrigo Roa Duterte!”
Nitong nagdaang eleksyon, si Manila City Mayor Isko Moreno ang kanyang sinuportahan sa pagkapresidente samantalang si Inday Sara Duterte na anak ni PRRD naman ang inendorso nito sa pagkabise presidente.
Related Chika:
Vivian Velez tuloy ang laban: Dapat ibalik na sa mga taga-showbiz ang MMFF!
Sino nga ba sa mga presidential candidate ang totoong susuportahan ni Duterte?
Albie kinuyog ng mga DDS, pero hindi nagpasindak; bashers tinawag na ‘stupid’, ‘idiot’