Kris inoobserbahan pa rin dahil sa lumalalang sakit; Kylie natatakot sa pagiging senador ni Robin
KUNG gaganda ang pakiramdam ni Kris Aquino ay sa darating na Huwebes, May 19 na ang lipad nila ng mga anak na sina Josh at Bimby patungong Amerika.
Dapat sana ay nitong Sabado, Mayo 14 umalis si Kris pero dahil hindi maganda ang medical lab test niya nu’ng tsinek-ap siya nitong Biyernes, Mayo 13 kaya hindi siya tumuloy.
Sabi niya, “The vasculitis is quite not okay.”
Kaya under observation na naman siya sa gamot na ibinibigay sa kanya na isinabay sa dextrose niya at kapat okay ay tuloy na ang lipad nilang mag-iina patungong US.
“We’re leaving na on the 19th, since it’s Monday now, so in three days, it’s an effort to save me, my life, my organs. Siyempre if you’re veins are affected or the blood vessels,” kuwento nito sa video post niya sa kanyang Instagram nitong Lunes, Mayo 16 ng umaga.
View this post on Instagram
Ipinakilala ni Kris ang katabing doktor na si Dr. Mike habang unti-unti nitong ipinapasok ang gamot sa dextrose hose.
Ipinaliliwanag isa-isa ni Kris ang lahat ng ginagawang procedures sa kanya at mga gamot na ibinibigay sa kanya at hindi rin niya maintindihan bakit hindi nawawala ang sakit na nararamdaman.
May sinabi pa siya tungkol sa doktor na, “Mali ang explanation mo pero we can be friends (narinig naming natawa ang doktor).”
Nabahala kami sa sinabing ito ni Kris dahil sa maling explanation ng doktor, para sa amin ay malaking kuwestiyon ito kung bakit mali?
Anyway, sana umayos na ang pakiramdam ni Kris para matuloy na siya sa Amerika at doon na magpagaling dahil parang lumalala pa ang sakit niya ngayon.
Time check ay pasado 2 a.m. ng Lunes ay marami pang gustong sabihin sana ang mama nina Josh at Bimb pero hindi na nito kaya kaya kailangan na niyang magpahinga muna para magkaroon ng sapat na lakas.
* * *
Hindi pa pala nagsi-sink in kay Kylie Padilla ang pagkapanalo ng amang si Robin Padilla bilang senador.
Nabanggit ito ng aktres sa panayam niya sa “24 Oras”, “Ayokong ipasok siya sa utak ko. Just to keep me grounded. Siguro when I see my Dad, tapos makausap ko na siya, ‘yun, siguro du’n siya mag-sink in pero ayoko talaga siyang (ipasok sa isip na) ‘I’m a senator’s daughter,’” say ni Kylie.
Inaming may mga takot siyang nararamdaman sa pagiging senador ni Robin.
“May mga fears din kami, siyempre, politics ‘yan, eh. Kahit ano ang mangyari, may fears ka, magulo. Pero, if I’m just thinking about what my Dad wants, his dreams, mga gusto niyang mangyari para sa mga tao, I’m happy for him and I’m proud of him,” sambit ng bida sa seryeng “Bolera” ng GMA.
https://bandera.inquirer.net/302095/kris-mel-naghiwalay-nang-dahil-sa-covid-mas-lumala-pa-raw-ang-sakit-ng-mommy-nina-josh-at-bimby
https://bandera.inquirer.net/296911/vp-leni-natuwa-sa-pagbisita-sa-tarlac-pnoy-may-be-gone-now-but-josh-being-there-really-meant-a-lot
https://bandera.inquirer.net/295375/maureen-nawala-ang-pagkapraning-sa-covid-19-kuya-kim-feel-na-feel-ang-pagiging-kapuso
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.