Dawn Chang binigyan ng perfect score sa pagganap bilang Madam Inutz sa MMK: Kuhang-kuha niya pati pagngiwi ko!
APRUB na aprub kay Madam Inutz ang pagganap ng actress-dancer na si Dawn Chang sa kanyang two-part life story na ipinalabas sa “Maalaala Mo Kaya”.
Talagang humanga ang dating “Pinoy Big Brother” season 10 celebrity housemate sa ipinakitang akting ni Dawn Chang sa “MMK” na napanood ng madlang pipol last May 7 and 14 hosted by Charo Santos.
Ayon sa viral online seller o Daisy Lopez in real life, tuwang-tuwa siya kay Dawn dahil parang talagang pinanonood niya ang sarili sa “MMK” dahil sa husay ng acting ng aktres.
“Nakakatuwa kay Dawn Chang, inisa-isa niya, hinimay-himay niya kung ano ‘yung dapat niyang makuha sa akin. Mula pagkabata, ano ka ba?
“Saan ka humuhugot ng lakas, ano naging inspirasyon mo para makuha niya ‘yung emosyon kung ano ba talaga si Madam Inutz,” sey ng komedyana sa isang panayam.
View this post on Instagram
At in fairness, nang hingan siya ng score tungkol sa pagganap ni Dawn, binigyan niya ito ng mahigit 10 out of 10. Aniya, pati raw kasi ang mga nuances niya at facial expression ay kuhang-kuha nito.
“Sabi ko, ‘Ay! Parang ako!’ Talagang kuhang-kuha niya pati pagngiwi, pati ‘yung pag-arte. Napahanga ako talaga. Sabi ko, nakakatuwa,” sabi pa ng Kapamilya comedienne.
Sabi pa ni Madam Inutz habang pinanonood ang kanyang life story, “Nag-flashback lahat ng nangyari kay Madam Inutz.
“Napagdaanan ko pala itong hirap na ‘to pero andito pa rin si Madam Inutz na mas pinagtibay ng panahon, pinagtibay ng pagsubok talaga.
“Hindi ako makapaniwala simula pagkabata hanggan ngayon, nandito pa rin ako na mas matatag at syempre mas naniniwala pa sa sarili ko,” emosyonal pa niyang pahayag.
Ang nasabing “MMK” episode ay mula sa direksyon ni Raz dela Torre at sa panulat ni Arah Jell Badayos. Nakasama rin dito ang mga dating “Pinoy Big Brother” housemates na sina Gino Roque at Pamu Pamorada.
https://bandera.inquirer.net/312617/dawn-chang-bibida-sa-makulay-na-life-story-ni-madam-inutz-sa-mmk-mga-itinatagong-lihim-mabubuking
https://bandera.inquirer.net/297012/enchong-sa-30th-anniversary-episode-ng-mmk-ang-bigat-pala-ng-responsibilidad-na-to
https://bandera.inquirer.net/285505/john-lloyd-dennis-magsasama-sana-sa-isang-project-pero-nakansela-dahil
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.