Aljur Abrenica sa pangunguna ni Robin Padilla sa mga senador: He deserves to be number one talaga Bandera

Aljur Abrenica sa pangunguna ni Robin Padilla sa mga senador: He deserves to be number one talaga

Therese Arceo |May 13,2022
share this

Aljur Abrenica sa pangunguna ni Robin Padilla sa mga senador: He deserves to be number one talaga

Therese Arceo May 13, 2022 - 08:54 PM

Aljur Abrenica sa pangunguna ni Robin Padilla sa mga senador: He deserves to be number one talaga

PATUNAY ang aktor at dating asawa ni Kylie Padilla na si Aljur Abrenica sa pagkakaroon ng mabuting puso ni Robin Padilla.

Si Robin kasi ang nangungunang kandidato sa pagkasenador sa may pinakamaraming boto sa naganap na eleksyon nitong Mayo 9.

Kuwento ni Aljur sa naganap na story conference para sa “The Revelation” noong Miyerkules, May 11 ay labis niyang hinahangaan ang dating biyenan dahil tinataglay nito ang katangian ng isang mabuting lider.

“He deserves to be number one talaga para sa akin! Kaya I’m so happy for him!” saad ni Aljur.

Ngunit sa kabila ng paghanga niya kay Robin ay marami naman ang hindi natutuwa sa kinalabasan ng botohan at patuloy na binabatikos ang kakayanan ni Binoe.

Sa kabila nito ay iginagalang pa rin ni Aljur ang mga taong nagdududa sa kakayahan ng action stae na maging senador.

Aniya, maari namang mag-research ang mga tao tungkol sa mga plataporma ng nangunguna sa botohan at panoorin ang mga nakalipas nitong interview para maintindihan kung saan ito nanggagaling.

Dagdag pa ni Aljur, noon pa man ay palagi nang bumabagsak si Robin pero nakakagawa pa rin ito ng paraan para makabangon muli kaya naniniwala siya na kaya rin nitong gawin iyon sa ating bansa.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aljur Abrenica (@ajabrenica)


Anyways, kahit na magkahiwalay na sila ni Kylie ay nananatili pa ring maayos ang kanilang relasyon at ang kanilang pagiging magulang sa dalawang anak na sina Axl at Alas.

Related Chika:
Aljur matapos ang ‘breaking silence’ post: I can still say na she was the love of my life

Dingdong, Marian pinakilig ang madlang pipol sa kanilang live dance number

Aljur inalala ang past nila ni Kylie: Hindi ko malilimutan yung pinagsisilbihan ko ang asawa ko

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending