USAP-USAPAN ngayon ang aktres na si Kristine Hermosa matapos itong magpalit ng red photo sa Facebook na may mukha ni Bongbong Marcos.
Marami ang tila nagulat at hindi inaasahan ang pag-amin ng aktres at asawa ni Oyo patungkol sa kanyang ibinotong kandidato sa nagdaang eleksyon.
Ang pagpapalit kasi ng kulay pulang profile picture ay panawagan ng mga taga-suporta ni presumptive president-elect Bongbong Marcos.
Walang kahit na anong caption ang pagpapalit display photo ni Kristine ngunit sapat na ito para maagaw ang pansin ng madlang pipol.
Iba iba naman ang mga naging kumento ng mga netizens lalo na at ang kapatid ng kanyang father-in-law na si Vicente “Tito” Sotto III ay isa rin sa mga kumandidato ngayong nagdaang 2022 elections.
“Di pala Lacson-Sotto si Kristine,” comment ng isang netizen.
May ilan naman ang nagtanong kung miyembro nga ba ng Iglesia ni Cristo ang asawa ni Oyo kaya ito nagpakita ng suporta kay Bongbong.
Ngunit base sa pagkakaalala namin, parehas silang Christians ng asawang si Oyo Boy Sotto.
May mga nagsasabi rin na pinili lang talagang manahimik noon ni Kristine at huwag sabihin ang kandidatong sinusuportahan upang makaiwas na rin sa gulo ng artista at politika.
May ilan rin na nagtataka kung legit ang account ito ng aktres at nang tignan naman namin ay may blue check ito at verified ng Facebook.
Sinubukan rin naming i-stalk ang IG account niya ay latest post niya ay isang bible verse na nagsasabing, “He cuts off every branch in me that bear fruit, while every branch that does bear fruits he prunes so that it will be even more fruitful.”
Wala pa ring pahayag si Kristine ukol sa kanyang pagpapalit ng display photo sa Facebook.
Mananatili namang bukas ang Bandera para sa paliwanag ng asawa ni Oyo hinggil sa isyung ito.
Related Chika:
Kristine, Oyo namamalo ng mga anak; bawal na bawal din ang gadgets at TV
Kristine inireklamo ang FB account na nakapangalan sa kanya: Hindi nakakatuwa…nakakabastos na!